Free Essay

Lalaki Sa Dilim

In: Novels

Submitted By JustArrogance
Words 2649
Pages 11
KRITIKAL NA PAPEL sa “Lalaki sa Dilim” ni Benjamin P. Pascual

I. Ang may-akda at ang kanyang milyu A. Talambuhay ng may-akda
Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-16 ng Enero 1928. Ang kanyang magulang ay sina Domingo Pascual at Adriana Punongbayan. Napangasawa niya si Erminda Besabe at may lima silang anak. Nagsimulang sumulat si Pascual bilang isang kuwentista noong dekada 1950 bago sineryoso ang paiging isang nobeslista. Sumubok din siyan mag-ambag sa komiks, hanggang maging staff ng liwayway. Naging manunulat din si Pascual sa Ace Publication at hindi nagtagal ay inatasang maging staff para sa mga komiks na Espesyal, Hiwaga, Pilipino at Tagalog. Pinatunayan ni Pascual na may ibubuga siya sa pagsusulat kahit hindi siya nakatapos ng kursong Journalism sa Far Eastern University.

Nagsulat din sa Ingles si Pascual at nagawa niyang makapaglathala ng ilang kwento sa Free Press at This Week Magazine. Sa labing dalawang kwento na naisusulat niya, anim lamang ang nakapapasa. Tinalikdan niya ang pagsulat sa Ingles makaraang makapagbulay, at hinarap niya ang hamon sa pagsusulat sa sariling wika.

Bumukas ang pinto kay Pascual sa larangan ng panitikang Filipino nang ilathala ng Liwayway ang kanyang kuwentong “Ang Kulapi” noong 1952. Noong 1954, naging Literary Editor siya ng Liwayway at nagtagal iyon hanggang 1980. Tinatayang nakasusulat siya noon ng dalawang kwento kada buwan. Nagwagi ng dalawang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di ko Masilip ang Langit” (1981).

Pagsapit ng 1975, nag-iba ang ihip ng simoy sa panulat ng mangangatha. Sineryoso niyang magsulat ng nobela. Tinatayang nakatapos ng labing tatlong nobela si Pascual. Pinatunayan ni Pascual ang pambihirang bisa ng kanyang panulat sa nobelang “Utos ng Hari” (1975) na nagtamo ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines. Unang nalathala sa Liwayway ang “Lalaki sa Dilim” sa pamagat na “Pssst…Ako ang lalaki sa Dilim” (1976). Pinakabago niyang akda ang “Sapalaran, Walang Tanungan” (1997). Ang pinakarurok naman na nobela niyang ginawa ay ang “Halik sa Apoy” (1985).

Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.

B. Milyu ng akda
Umiikot ang kwento sa panahon ng martial hanggang post martial law, ito ang umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahil na rin sa pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik ang demokrasya sa bansa. Dahil talamak ang karahasan ay naimpluwensiyanhan ang masa na mag-isip kung anong unang hakbang ang kanilang gagawin upang makawala sa diktatoryang Marcos

Nangingibabaw ang kahusayan ni Pascual sa pagkatha ng mga akda na kung saan, tulad ng istilo ni Rizal sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nakapupukaw ito ng damdamin upang mamulat sa katotohanan ang kanyang mambabasa. Ang kanyang nobela ay isang mahusay na halimbawa ng isang akdang modernista na kung saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa ang pamumuhay ng bawat isa.

II. Buod ng Nobela
Ang kwento ay nagsimula sa pagkumbida ng mga kaibigan ni Rafael Cuevas, isang espesyalista sa mata, sa isang stag party na ginawa nila para kay Rafael bago siya makasal kay Margarita, isang singer sa opera. Sa mismong gabing iyon nakagawa si Rafael ng isang karumaldumal na krimen, ginahasa niya ang isang babaeng bulag na si Ligaya. Sinamantala ni Rafael ang pagiging bulag ni Ligaya at inakalang makalulusot siya sa kasalanang ginawa dahil iniisip niyang walang ebidensyang makapagtuturo sa kanya.

Para mabawasan ang konsensyang unti-unting lumalamon sa looban ni Rafael, naisipan niyang bigyan ng pera si Ligaya na nagkakahalagang limangpung libong piso at isang liham na nagsasaad na sa kanya na lamang magpagamot ng mata para masingil siya sa mas murang halaga. Nagbunga ang kaharasang ginawa niya tungo sa babaeng ginahasa niya. At sinunod ni Ligaya sa pangalan ni Rafael ang kanyang anak bilang pagtanaw ng nagawa niyang kabutihan dito. Naging inaanak niya ang bata sa binyag; ninong siya ng sarili niyang anak.

Habang nagsasama sina Rafael at Margarita bilang magasawa, nagkaroon ng ibang lalake si Margarita na nagngangalang Nick, ang matalik na kaibigan ni Rafael na asawa ni Marina. Sa pananaw ni Margarita ay ayos lamang na magkaroon sila ng ibang mangingibig, maliban sa kanilang dalawa, basta magkaroon sila nang pagkakaintindihan at pagiging totoo sa isa’t isa ngunit kinalaunan ay naghiwalay din ang sila.

Habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay nagulantang siya sa kanyang nabasang balita na nagsasabing pinatay sina Margarita at Nick sa isang otel ng isang babaeng nasa edad 29 anyos. Ang tinutukoy na babae sa balita ay walang iba kung hindi si Marina, ang asawa ni Nick na matagal nang nagtitimpi sa mga pagkukunwari at panlolokong ginagawa sa kanya na umudyok sa pagkitil nito sa buhay ng sariling asawa at sa kinakasama nito.

Sa dulo’y mababatid na ang pisikal na pagkabulag ni Ligaya ang siyang nagbigay liwanag sa katauhang-dilim ni Rafael. Nagwakas ang siklo nang kapwa luminaw ang paningin nina Rafael, dahil sa pagibig, at Ligaya, dahil sa matagumpay na operasyon. Nagkaroon ng lakas loob na aminin ni Rafael kay Aling Sela, ina ni Ligaya, ang kanyang nagawang kasalanan.

III. Pagsususuri ng Akda A. Tema (Mensaheng Panlipunan)
Ang nobela ay sumasalamin sa uri ng lipunan mayroon sa kanilang kapanahunan. Ito ang panahon kung kailan pa-usbong na ang modernisasyon at nagsimula ng maging liberal ang kaisipan ng ilan sa mga Pilipino.
Ipinakita sa nobela ang naging papel ng konsensya sa pagbuo ng desisyon ng tao, partikular kay Rafael na tuluyang binago ang masamang bisyo sa babae matapos makagawa ng kahalayan sa isang bulag na dalaga. Ang kanyang pagpapasya na hugasan ang kanyang nagawang kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad ng limang libong piso at pagagamot kay Ligaya ay tulak marahil ng konsensya na patuloy siyang binabagabag.
Isa din sa pinaka-kapansin-pansin sa nobela ay ang paglalarawan ng mga pagababagong nagaganap sa lipunan dahil sa impluwensiyang kanluranin. Makikita ito sa pamamagitan ng pagkumpara sa karakter ni Margarita at Ligaya. Si Margarita na isang opera singer ay masasabing isang makabagong babae sapagkat dala niya sa kanyang sarili ang bagong anyo ng isang dalagang Pilipina. Ayon kay Rafael, hindi itinuturing ni Margarita ang kasal bilang isang sagradong bagay sa mga sumusunod na kadahilanan. Una ay ang hindi pagiging birhen ni Margarita bago ikasal, nalaman ito ni Rafael matapos ang kanilang honeymoon sa Baguio. Ikalawa ay ang paginom ni Margarita ng pills upang hindi magka-anak. Karaniwan na sa mga bagong mag-asawa ang mag-abang ng mga sensyales ng pagdadalang-tao ng babae ngunit sinadya ni Margarita na hindi magka-anak dahil makakasisira daw ito sa kanyang propesyon. At ang ikatlo ay ayos lang kay Margarita na magkaroon ng ibang karelasyon si Rafael habang siya ay mayroon din.
Kabaliktaran lahat ito ng kay Ligaya na sumisimbulo sa tipikal na imahe ng isang dalagang pilipina; may pagpapahalaga sa pamilya at may takot sa Diyos. Isa sa magpapatunay dito ay noong nagbalik na kanyang paningin kung saan ganoon na lamang ang kanyang kasabikan na muling makita at mayakap ang kanyang ina at kapatid. Matatandaan din ang pagnanasa ni Ligaya na makilala ang ama ng kanyang anak. Ang pagnanasang ito ay hindi upang panagutin ang lalaki sa kanyang ginawa kundi upang ang bata ay hindi lumaki na hindi nakikilala ang kanyang ama. Mahalaga para kay Ligaya na masaya at sama-sama ang pamilya. Si Ligaya din ang pinakamagandang halimbawa ng pagkakaroon ng malakas na pananampalataya sa Panginoon. Maka-ilang ulit na mababasa na labis-labis ang pasasalamat ni Ligaya sa Diyos sa panunumbalik ng kanyang paningin. Ang pagkakaroon niya ng anak ay ikinukunsidera niya bilang isang biyaya at mariing niyang tinutulan ang pagpapalaglag nito. B. Wika at Estilo
Madali lamang basahin ang nobela sapagkat gumagamit ito ng wikang bahagya lamang pormal. Bihira gumamit si Pascual ng mga salitang madalang gamitin at malalim ang kahulugan, at kung meron man, ito ay nasasamahan ng mga pananda na makakatulong upang mabilis na maintindihan ang tinutukoy na salita. Ang wika rin ay napapanahon. Kahit na ang nobela ay naisulat higit sa isang dekada na ang nakakaraan, hindi naluluma ang pagsasalaysay ng may akda. Dahil dito, naging tuluyan ang aking pagbabasa habang hindi iniintindi na makatagpo ng mga salita at pangugungusap na para lamang sa kanilang henerasyon. Maliban na lamang siguro sa salitang V.D. na kahit malinaw na isang sakit ang tinutukoy, kinailangan ko pang hanapin sa internet ang kahulugan.
Bagamat sa kabuuan ng nobela ay namayani ang wikang Filipino, kapansin-pansin pa rin ang pagsulpot ng ilang mga salita sa wikang Ingles lalo na sa mga bahagi ng dialogo. Akma lamang ito upang maging mas natural ang dating ng mga piling tauhan sa mga piling eksena. Marami sa mga tagpo ay sensetibo at naglalaman ng mga eksena na hindi pwede sa mga batang mambabasa ngunit nagawa ni Pascual na mailahad ang mga ito sa kaparaanan na hindi bastos at hindi makaka-insulto.
Isang estilo marahil na ginamit ng may akda ay ang pagulit ng nakaraan pangyayari bago tuluyang lumipat sa susunod na kabanata. Kapansin-pansin din ang pagtutukoy sa tauhan matapos ang panghalip na ginamit para dito. Ito marahil ang naisip na solusyon upang mas lalong mapadali ang pagbabasa nang hindi na kinakailangan pang magpa-ulit-ulit sa mga talata para maintindihan at malaman kung sino ang tinutukoy ng mga paghalip lalo na kung maraming tauhan ang maaring tinutukoy ng mga “siya”. Naging tulong din ito upang mas medaling makabisado ang mga tauhan dahil sa paulit-ulit na pagpapakilala sa mga ito. A. Kulturang Pilipino
Makikita sa nobela ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliw tumanggap ng mga bisita. sa kwento kahit na mahirap lamang sina Ligaya at Aling Selya ay hindi matatawaran ang aasikaso nila kay Rafael tuwing bibisita ito sa kanilang munting tahanan. Hindi maipagkakaila sa ating mga Pilipino na likas sa atin ang pagiging hospitable kung tawagin sa Ingles. Sinasabi na tayong mga Pilipino ay humahanap ng paraan kahit kaunti para lamang may maihandog sa ating mga bisita. Kahit hindi pa nga bisita, kahit isang kapitbahay lamang na napadaan ay inaalok na natin na makisalo sa kainan. Nakakatuwa ring isipin na nailalabas lamang ang mga pinakamagagandang at pinakabagongs mga kasangkapan sa kusina tuwing may darating na panauhin.
Maituturing ding bahagi ng ating kultura at tradisyon ang kasal at binyag na minana pa natin sa mga Kastila. Kabilang ang mga ito sa pitong sakramento ng Simbahang Katoliko. Maalala na nagdesisyon si Rafael na pakasalan na si Margarita sa pag-aakalang ito ang makalulunas sa sakit niya kung ituring ang pagkahilig sa babae. Hindi man binanggit sa libro ang detalye patungkol sa kasal, malalaman natin Katolikong Seremonya ng Kasal ang naganap sapagkat minsang nabanggit sa nobela na kapwa Katoliko ang kanyang mga magulang at siya rin ay minsan ay nakapagsisimba din. Hindi man kabuuan ng populasyon ng Pilipinas ay Katoliko o Kristiyano, hindi na maipagkakaila na ito ay bahagi na ng ating kultura at talaga namang pinaghahandaan at pinagkakagastuhan.
Mababasa na nagkaroon ng dalawang binyag sa nobela. Ang una ay sa anak nila Nick at Marina, kung saan imbitado ang mag-asawang Rafael at Margarita. At ang ikalawa ay sa anak ni Ligaya kung saan naging ninong si Rafael ng kanyang sariling anak. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong at ninang ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-kumadre ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang. Kultura na rito sa Pilipinas ang pagbibigay din ang mga ninong at ninang ng regalong maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag ay isang handaan.

IV. Kabuluhan ng Akda sa Kasalukuyang Panahon
May dalawang bagay ang sa tingin kong nais ipangusap ng nobela sa kanyang mga mambabasa.
Ang una ay ang karangalan ng lalaki. Habang binabasa ang nobela, unti-unti itong nagkaroon ng kahulugan sa akin. Isa ito marahil sa na nais ipaintindi ng manunulat sa atin. Ano nga ba ang ibig sabihin ng karangalan na ito? Paano ito makakamit? Ano ang kabuluhan nito sa kasalukuyang Panahon? Sa ating lipunan? Ang nobela ay nakasentro kay Rafael at kung paano niya hinarap ang mga dagok sa kanyang buhay. Hindi naging madali ang mapanatili na maayos ang kanyang karangalan, hindi bilang isang doctor kundi bilang isang asawa. Hindi rin ito tungkol lamang sa kanyang pagkalalaki kundi may mas malalim na kahulugan. Nabanggit sa nobela na ang tinutukoy niyang karangalan ay ang pagkakaroon ng isang tahimik at matiwasay na buhay may-pamilya. Ngunit nabigo siya na makamit ito dahil sa pagtataksil ni Margarita. Magsilbi sanang paalala sa atin lahat ang masamang naibubunga ng pagtataksil at kasinungalingan.
At ikalawa ay ang panunumbalik ng paningin ni Ligaya. Siya marahil ang sumisimbolo ng pag-asa. Sa kabila ng kapansanan at kahirapan, naging maliwanag sa kanya ang pagbangon mula sa suliraning kinahaharap. Nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon niya ng paniniwala sa Diyos upang makayanan lahat ng pasakit sa kanyang buhay. Marami sa ating mga kababayan ang tulad ang sitwasyon kay Ligaya. Hindi man bulag o may kapansanan tulad niya, marahil namumuhay din tayo na bulag sa ibang bagay. Hindi man naging biktima ng pangagahasa tulad niya, ngunit baka biktima naman tayo ng suliraning kinahaharap ng ating lipunan. Si Ligaya ay isang inspirasyon para sa marami sa atin na patuloy nakararanas ng hirap. Patuloy lamang tayong manalig sa Diyos at hindi mawalan ng pag-asa. Diringin ng Panginoon ang mga marunong maghintay. V. Konlusyon
Kung ating titignan, malayo-layo na rin ang narating ng moderno nating panahon. Hindi na natin maikukubli na tuluyan ng binago ng impluwensiyang banyaga ang marami sa atin. Bahagyang malayo na ito kung ikukumpara sa mga nakasaad sa nobela. Mas lalong lumala ang mga isyung panlipunan na noon pa sana’y nabigyan na ng lunas. Ang isyu sa kahirapan, prostitusyon, moralidad at edukasyon ay ilan lamang sa mga tinalakay sa nobela.
Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga Pilipino lugmok pa rin sa kahirapan. Dahil dito, marami ang hindi makapag-aral, napipilitang gumawa ng krimen at pumasok sa mundo ng prostitusyon. Dapat ang maging pokus ng gobyerno ay ang paggawa ng mga batas at programa upang wala ng Aling Sela ang kailangan pang lumakad ng malayo upang makahingi ng gamut, wala ng tulad ni Ligaya na napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kapansanan at wala ng mga hostes sa klab na makikipaglaro ng apoy.
Sa isyu naman ng moralidad, lahat ay maaring tamaan. Wala itong pinipiling antas ng edukasyon, uri ng propesyon at estado. Ipinakita sa nobela na kahit ang maganda at opera singer na tulad ni Margarita ay hindi nakalagpas sa suliraning ito. Maging si Rafael na isang doctor ay nagtataglay ng sakit sa pagkahilig sa babae, ganoon din si Nick na nakaangat at maginhawa ang buhay. Hindi ito simpleng bagay lamang na maaring ipagwalang bahala. Nakakangamba ang mapabilang dito sapagkat wala itong naidudulot na kabutihan, sa halip puro pagkawasak at problema ang dulot.
Sa kabuuhan, ang dapat maging sentro ng bawat Pilipino ay ang pamilya. Ang pagmamahal sa pamilya ay higit na mas matimbang sa kahit ano pa mang bagay sa mundo. Ang kahirapan, moralidad at iba pang isyung sa lipunan ay nabibigyan ng unang lunas sa loob ng tahanan. Ang pagkakaroon ng buklod-buklod na mag-anak ang makatutulong upang malagpasan ang kahirapan at pakikinig at pagsunod sa magulang ang susi upang maiwasan ang problema sa moralidad.

SOURCES:
CCP Encyclopedia of the Philippines Arts Vol. IX, Philippine Literature.
Lalaki sa Dilim, Pascual, B. P. (2004) http://www.scribd.com/doc/11216712/Lalaki-Sa-Dilim, Gonzales, C.M., Cerillo, L., Calimag, J.F., Nino, N.J., Ancheta, R., Alvaran, R., et al. http://michealdtacsayfiles.webs.com/researchenglish.htm, michealdtacsayfiles
Life on Exile: Secrets and Lies of Demented Little Boy http://angelblueblooded.multiply.com/reviews/item/1, Louise, A. (2008, September 2)
Ang Lalaki sa Dilim from Definitely Filipino http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/17/ang-lalaki-sa-dilim/, StormChaser…...

Similar Documents

Free Essay

6 Lalaki Nailad Sa Illegal Recruiter

...6 lalaki nailad sa illegal recruiter Ni Maricel P. Pamisa UNOM ka mga lalaki ang nailad sa illegal recruiter ug gipatrabaho nga walay sweldo didto sa dakbayan sa Marawi. Si Roel Paraiso, 23, ulitawo nga taga dakbayan sa Davao, uban sa laing lima ka mga lalaki ang gi-recruit sa usa ka Ashnar Palawan sa Marilog District, Davao City. Giingong Hunyo 18 nipasalig si Palawan nga dad-on sa Cebu ang mga biktima alang sa usa ka trabaho sa construction ug dunay maayong sweldo. Apan nakurat na lang ang mga biktima nga gidala sila sa Marawi City ug gipatrabaho sa usa ka bodega nga galingan og mais. Dihang mihangyo ang mga biktima nga mag-cash advance ngadto sa ilang agalon nga nailang Panli, gibalibaran sila niini ug niingon nga gikuha na ni Palawan ang ilang sweldo. Tungod niini, nakahunahuna ang mga biktima nga molayas ug niadtong Sabado, nangayo sila og tabang mga makabalik sa Davao. Matud ni Paraiso nga ang iyang lima ka mga kauban natabangan sa usa ka public service sa usa ka sibyaan nga makasakay sa bus pinaagi sa passes. Samtang si Paraiso nahatagan usab og passes sa bus aron makapalayo sa maong dapit. Ang lima ka mga biktima midangop sa Police Station 5 (PS5) sa Poblacion sa Iligan City ug nakasakay sa rural transit ug giduso sa Police Station 7 sa Bulua, siyudad sa Cagayan de Oro, dayon gi-refer sa Police Station 3 sa Agora. Nanawagan ang biktima nga bisan aduna lang siyay P500 nga kwarta igo na kini makapauli sa ila. My timeline Welcome!!! April......

Words: 267 - Pages: 2

Free Essay

Adiksyon Sa Internet

...Adiksiyon sa online games Malaki ang naitutulong ng makabagong teknolohiya sa ating pamumuhay. Nagagawa nitong mapabilis ang mga paper work hindi lang ng mga estudyante kundi maging ng mga nag-oopisina. Kaakibat ng modernisadong panahon ang pag-unlad maging sa libangan ng mga kabataan. Kung dati pagsapit ng hapon, magla­labasan na ang mga kabataan, magla­laro ng basketball, o ‘di kaya’y patintero o piko, ngunit sa kasalukuyan, unti-unting nababawasan ang mga kabataang naglalaro sa kalye at karamihan sa kanila ngayon ay matatagpuan na lamang sa isang lugar, sa loob ng computer shop. Sa madaling salita, ang katutubong laro na nagpapalakas ng katawan at kakayahan gaya ng patintero, luksong tinik ay napalitan ng moderno at tila kaakit-akit na online games. Hindi na maitatanggi ang katotohanan na malaki ang nagiging epekto nito sa mga kabataan partikular na sa kanilang pag-aaral. Hindi na mapigil, kahit pa ng kanilang mga magulang ang pagkahumaling ng mga anak sa mga pagla­laro ng online games gaya ng League of Legend, Crossfire, Special Forces, Dragon Nest atbp. Ayon sa mga eksperto may pagkakataon na ang sob­rang pagkahumaling sa paglalaro sa harap ng kompyuter ay maaaring magdulot ng ‘di maganda, maaari umano nitong sirain ang pag-iisip ng mga bata dahil imbes na pag-aaral umano ang inaatupag ay naglalaro sa kompyuter ang mga ito, bilang resulta, bumaba ang grado sa eskuwela. Ayon sa guro ng St. Mary’s Angels College of Valenzue­la na si Bb. Marivic Villajos, napapansin...

Words: 966 - Pages: 4

Free Essay

Paghahari Ng Estados Unidos Sa Pilipinas

...Mukha ng Pakikibaka ng Kababaihan sa Panahon ng Kolonyal na Paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas I. Usaping Pangkasarian: Pagtanggal sa pagkakahon sa mga kababaihan: Hindi mahina ang mga kababaihan at hindi totoo na sa loob lamang sila ng tahanan. Marami silang naging ambag upang makamit ang kalayaan mula sa mga mananakop. Ang mga kababaihan sa larangan ng pulitiko ay natutong lumaban upang sila rin ay makaboto katulad ng mga lalake. Sa pang-ekonomiyang dahilan naman ay lumaban din mga kababaihan kasabay ng mga kalalakihan upang matamo ang makatarungang sahod. Nabanggit din na maraming mga kababaihan ang propesyunal tulad ng abogada at doktora, babaeng sumali sa pulitika at mga kababaihang lider ng mga organisasyon. II. Institusyon: Pamilya: Binanggit sa teksto na ang matapang na pakikilahok ng mga kababaihan ay nag-uugat sa mga gampanin nila sa pamilya katulad ng pagtulong sa asawa, ama o kapatid sa larangan ng pulitika, pagpapa-aral sa mga anak at pagpapakain sa pamilya. Paaralan: Ang institusyong ito ay naging bukas kinalaunan sa pagkilala ng pantay na karapatang ng mga lalaki at babae ngunit ang mga maykayang babae lamang ang tuwirang nakinabang dito. III. Kapangyarihan: Ang mga kababaihan ay nagpakita ng kapangyarihan mula sa loob sapagkat malay sila sa mga karapatang kanilang ipinaglalaban katulad ng pagmimithi sa pantay na karapatang tinatamasa ng mga kalalakihan. IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Sang-ayon ako sa layunin ng teksto na......

Words: 2443 - Pages: 10

Premium Essay

Sas Airlines

...conclusions, we collected and evaluated 1,283 observations across 30 airlines, over a 12-year period beginning in 2000. We used this information to analyze the effects of a variety of independent variables on our dependent variable of revenue (both domestic and international). The independent variables we examined included number of flights, baggage fee revenue, fuel costs, amount of fuel consumption, and the dollar amount spent on advertising. These variables were divided into both domestic and international amounts. To complement our findings and evaluate data on a more disaggregated level, we separated the airlines into major and minor airlines. We placed all of the data we collected into Excel and then imputed all of the Excel information into SAS in order to run our analysis. II. Description of Variables All of the variables we analyzed, except for advertising spending, were found utilizing the RITA database provided by the Department of Transportation. Advertising spending data for airlines was found via Ad$pender. Ad$pender and RITA are both discussed further in Section III. Each variable was broken down to a per quarter basis. Independent Variables: * Domestic Flights- The number of domestic flights that the airline had from 2000-2011 * International Flights- The number of international flights that the airline had from 2000-2011 * Domestic Fuel Consumption- The amount of fuel consumed in gallons domestically from 2000-2011 * International Fuel......

Words: 3762 - Pages: 16

Free Essay

Grupong Etnolinggwistiko Sa Asya

...MGA PANGKAT ETNOLINGGWISTIKO SA ASYA Kilala ang lahat ng taong naninirahan sa kontinente ng Asya bilang mga Asyano. Bukod dito, may pagkakakilanlan din ang mga Asyano batay sa kinabibilangang bansa. Bukod sa dalawang nabanggit na pagkakakilanlan, maaari ding ikategorya ang mga tao sa Asya ayon sa grupong etnoliggwistikong kinabibilangan nito. Kung ang kontinente ng Asya ay nahahati sa mga rehiyon at ang bawat rehiyon ay nahahati sa mga bansa, ang bawat bansa naman ay kinapapalooban ng iba’t-ibang grupo na may kanya-kanya ring pagkakakilanlan. Ang bawat grupong ito ay tinatawag na grupong etnolinggwistiko. ------------------------------------------------- Mga Tamil sa India (Timog Asya) Ang mga Tamil ay isang grupong etnolinggwistiko na ang pangunahing wika ay Dravidian. Pinaunlad ng Tamil ang intinuturing na klasikal na kultura ng India. Sa kanilang lugar matatagpuan ang magagarbong mga templo gayundin ang mananayaw na babaeng tinatawag na Bharata Natyamv, at ang mga lalaking mananayaw na tinatawag namang Kathakali. Karaniwan sa mga Tamil ang pagkain ng kanin at maanghang na curry. Kilala din sa pag-inom ng palm wine ang kanilang mga kalalakihan. Bukod sa paninisid ng perlas at pangingisda, mahusay ding mangangalakal ang mga Tamil. Mga Javanese sa Indonesia (Timog Silangang-Asya) Tinatayang sa Indonesia, ang pangunahing wika ay Javanese kung saan 45% ng populasyon ang nagsasalita nito. Karamihan sa mga Javanese ay naninirahan sa isla ng Java, Sumatra,......

Words: 848 - Pages: 4

Premium Essay

Sas 112

...SAS 112 and SAS 115 Explanation to Key Clients Tara Stanley, Kenya Irving and Cynthia Etzel COM/530 Communications for Accountants August 25, 2014 Gloria Davis MEMORANDUM TO: Clients of ACE Accounting FROM: Kim Jones, Junior Accountant DATE: August 25, 2014 SUBJECT: Statement of Accounting Standards SAS 112 and SAS 115 Auditing Changes In response to the recent changes to the auditing processes, our company felt the need to clarify the changes and how they will affect your company. The SAS 112 and SAS 115 enforce changes to the auditing process for private companies, governments and non-profit organizations. These changes bring the audit process in line with current processes already in place for publicly held companies. The changes went into effect for audits of financial statements ending on or after December 15, 2006 and December 15, 2009 respectively. The significant changes apply to the definitions of internal control deficiencies, significant deficiencies and material weaknesses. The SAS 112 defines internal control deficiencies as “a design or operation of a control that does not allow management or employees to prevent or detect misstatements on a timely basis” (American Institute of CPAs, 2006). The SAS 115 further defines internal control deficiencies by adding the word correct to the definition. Under the SAS 112, auditors are required to note whether or not the internal controls could detect and prevent errors. ......

Words: 466 - Pages: 2

Premium Essay

Sa-Sa

...Sa-Sa has several methods to segment their customers. The primary method is to classify customers as tourists or residents. Customers can fall into a third category of Mainland residents after the join-venture with Ebeca. With no tariffs on beauty products in Hong Kong, tourists are a major customer base for the perfume and cosmetics industry. The largest chunk of tourists come from mainland China, followed by Taiwan and then by South East Asia. The customers prefer imported products from Europe, USA and Japan as the products reflect quality and prestige. The customers can then be further profiled by their demographics and buying behavior. The three customer segments are Real Spenders, Best Overall Value Seekers, and Convenience seekers. The real spenders are in their 20s and 30s and are high-income earning professionals, managers or business owners. They spend the highest on skincare products, cosmetics, and fragrances/health supplements. They don’t spend as much on hair care products as they might be going to professional stylists and getting their products from the salon. This segment has the highest number of purchases at Sa-Sa. They might be ones more likely to buy the in-house products leading to greater profit margins for Sa-Sa. One way Sa-Sa can compete is to sell more luxury products to the real spender segment and generate higher profits. Convenience seekers are usually above 40 years of age and include housewives, blue-collar and part-time workers. They have......

Words: 846 - Pages: 4

Free Essay

Sas Insitute

...Erica Graham 1  Erica Graham   Prof. Poznanska  International Business  Final Paper  3/6/2015    Introduction:      SAS Institute Inc is by far the world largest private software company. It is known for  two things, it was the first company to make software for analyzing data, and how it treats its  employees. “SAS Institute is probably the most important software company that you’ve never  heard of.” (Fishmen) Yet a majority of the people in the United States and overseas uses SAS  technology every day without knowing where and how it came into being. SAS is considered to  be the sanest company in America, with the lowest turnover rates for employees across the  world. “The company experiences annual turnover in the range of 2­3% compared to an industry  average of 22%.” (Crowley)   This is due to the way that SAS operates, putting its workers and their job satisfaction  above everything else.  SAS institute is also one of the very few companies to take a  sustainability approach to business, one in which it holds the value of people above all else.  “SAS has found that by being an especially benevolent and respected organization, they  consistently produce the most optimal workplace performance.” (Crowley)   Reason for International Expansion:  Erica Graham 2  In 1966 there was no company called SAS, but the foundation for this fast growing  multinational company was laid. In 1966 the need for computerized statistics programs was ......

Words: 1761 - Pages: 8

Premium Essay

Sas 99

...SAS 99 AND ITS CHALLENGES TO THE ACCOUNTING PROFESSION Submitted by: Ronneil I. Capones Consideration of Fraud in a Financial Statement Audit, also known as Statement on Auditing Standard 99 was issued in November 2002. It is a revision to improve the deficiencies of SAS 82 with regards to audit process and quality (Marczewski and Akers, 2005, p. 38). The revision of SAS 82 was started prior to the huge accounting scandals that shook public confidence in the reliability of audits. Nevertheless, it gave the accounting profession more focus on tackling the issues of fraud detection on audits Three key fraud risk factors are classified and described in SAS 99; incentive/pressure to perpetrate fraud, opportunity to carry out the fraud, and attitude/ability to rationalize the fraudulent action. Incentives or pressure to perpetrate fraud may arise from the threat of losing profitability as a result of failures in the industry, declining product demand, frequent negative cash flows from operations, threat of losing job because of pressure from management to meet analysts’ expectations are a few examples (Casabona and Grego, 2003, p. 17). Opportunities to carry out fraud are characterized by the following conditions; abundance of transactions with related parties not within the normal course of business, unusual complex transactions coupled with subjective judgments, ineffective monitoring by management, board of directors, and audit committee (Casabona and Grego, 2003, p.17)...

Words: 687 - Pages: 3

Free Essay

Procedure in Sas

...SAS Global Forum 2008 Reporting and Information Visualization Paper 264-2008 PROC TABULATE® and the Neat Things You Can Do With It Wendi L. Wright, CTB / McGraw-Hill, Harrisburg, PA ABSTRACT This paper starts with an introduction to PROC TABULATE®. It looks at the basic syntax, and then builds on this syntax by using examples on how to produce one-, two-, and three-dimensional tables using the TABLE statement. Some of the examples cover how to choose statistics for the table, labeling variables and statistics, how to add totals and subtotals, working with percents and missing data, and how to clean up the table. The presentation then shows several examples using the ODS STYLE= option in PROC TABULATE to customize tables and improve their attractiveness. This option is versatile and, depending on where the option is used, has the ability to justify cells or row and column headings, change colors for both the foreground and background of the table, modify borders, add a flyover text box in ODS HTML, or add GIF figures to the row or column headings. INTRODUCTION PROC TABULATE is a procedure that displays descriptive statistics in tabular format. It computes many statistics that other procedures compute, such as MEANS, FREQ, and REPORT and displays these statistics in a table format. TABULATE will produce tables in up to three dimensions and allows, within each dimension, multiple variables to be reported one after another hierarchically. There are also some very nice......

Words: 3610 - Pages: 15

Premium Essay

Sas Hr

...SAS * Employment security The company culture and working environment lend itself to a warm friendly place to work. Along with this the corporate strategy of making software that customers want ensures that new products are in line with consumer needs. These things create a very stable work environment where people enjoy coming to work. SAS experiences only a 4% turnover rate a year far lower than the industry average due to the work environment they create. This atmosphere allows for a great deal of security and makes employees enjoy coming to work and as a result their work is higher quality. * Selective hiring The hiring practices at SAS are a major reason for its success. SAS goes about recruiting people based a great deal on how they fit within the corporate culture. Due to the fact that the company headquarters is located in the south much of the recruiting is targeted at people who want to live in the south. Along with this the turnover rate for the company is extremely low because the employees like working for the company. This selection process allows SAS to get skilled employees that enjoy their work environment and don’t want to work somewhere else. * Self managed teams When it comes to management strategy SAS has a simplistic approach built on trust and responsibility. The company follows a motto of “give people the tools they need to do their job and get out of the way.”The training of employees allows the company to mentor and coach employees......

Words: 641 - Pages: 3

Free Essay

Kanser Sa Suso

...kalusugan sa Asya Estado ng kalusugan sa Pilipinas Pangunahing sakit sa Pilipinas Kanser Kanser sa suso Tukuyin ang tiyak na layunin sa pagsulat. Mga layunin ng pagsulat tungkol sa kanser sa suso: 1. Ano ang mga kaalaman mo tungkol sa kanser na ito? Sapat na ba ang mga ito? 2. Saan ito nakukuha o nanggaling? 3. Paano ito maiiwasan at malulunasan? Gumawa ng balangkas batay sa mga impormasyong nakalap. Paksa: Kanser sa Suso I. Mga Karaniwang Impormasyon tungkol sa Kanser sa Suso A. Kaunting Statistiks tungkol sa Kanser sa Suso B. Ang Maikling Depinisyon ng Kanser sa Suso C. Mga Sintomas ng Kanser sa Suso D. Ang Maaaring Panggalingan ng Kanser sa Suso II. Ang Pinagmumulan ng Kanser sa Suso A. Ang Pagdedebelop ng Kanser sa Suso B. Mga Maaaring Pagmulan ng Kanser sa Suso C. Mga Paunang Sintomas ng Kanser sa Suso III. Mga Sintomas ng Pagkakaroon ng Kanser sa Suso A. Mga Maaaring Gawin B. Mga Karaniwang Karamdaman C. Mga Pisikal na Pagbabago IV. Mga Pagsusuring Ginagawa A. Mga Karaniwang Pagsusuri sa Laboratoryo B. Mga Radiographic na Pagsusuri C. Mga Pagsusuring Pinapagawa ng Doktor V. Mga Lunas sa Kanser sa Suso A. Ang Operasyon sa Suso B. Mga Gamot o iba pang mga Droga na maaaring maging Lunas C. Mga iba pang Paraan na Lunas VI. Kanser sa Suso sa mga Lalaki A. Mga Sintomas B. Mga Lunas C. Pinagkaiba sa Kanser sa Suso ng mga Babae Kanser sa Suso:......

Words: 2416 - Pages: 10

Free Essay

Isang Tala Sa Upuan

...Normal lang sa araw-araw para sa mga estudyante ang pumasok ng maaga at nang hindi mahuli sa klase, ngunit nang magising ako ay para bang gabi pa rin dahil sa dilim ng langit na parang ipingdadamot sa mga tao ang araw. Tinatamad pa ako pumasok nun kasi nagpuyat ako kagabi dahil sa mga assignments na pinagawa sa amin. Pinilit ko na lang bumangon para makapaghanda ako ng aking almusal at maghanda ng aking ipanliligo. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na ako papunta sa BSU. Pagpasok ko sa aming silid ay napansin kong nandun na din ang aming guro. Malapit na palang magsimula ang klase. Nang magsimula na siyang magslita tungkol sa topik naming ay sinulat ko ang mga importanteng mga bagay. Natural lamang na habang nagkaklase ay sadyang mga salik na nakakaimpluwensya sa pakikinig, pero hindi ko na lang pinansin ang mga iyon at pinagpatuloy ko ang aking pagsulat.Habang nagsusulat ako ay aksidenteng napatid ng kaklase ko ang aking kwaderno. Pagkapulot ko nito ay may napansin akong nakasulat sa armchair na aking inuupuan. Ito ay isang tala sa upuan na kumuha sa aking atensyon. Hindi ko alam kung sadyang nagkataon lamang, ngunit parang may nagsasabi sa akin na basahin ko iyon. Sa unang pagkakabasa ko nito ay tila ba’y nabaduyan ako, subalit nang basahin kong muli at lubos na unawain ang bawat salitang nakasulat ay tila bang ako mismo ang gumawa nito. Sa bawat salitang kanyang pinahayag ay nagpapahiwatig ng kanyang pagkalumbay at pag-iisa sa buhay na sya ring nararamdaman ko ngayon.......

Words: 695 - Pages: 3

Free Essay

Sa Aking Kababata

...Sa Kabataang Pilipino Itaas ang iyong noong aliwalasngayon, Kabataan ng aking pangarap!ang aking talino na tanging liwanagay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhanmagitang na diwang puno sa isipanmga puso nami'y sa iyo'y naghihintayat dalhin mo roon sa kaitaasan.Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliwna mga silahis ng agham at siningmga Kabataan, hayo na't lagutinang gapos ng iyong diwa at damdamin.Masdan ang putong na lubhang makinangsa gitna ng dilim ay matitiganmaalam na kamay, may dakilang alaysa nagdurusa mong bayang minamahal.Ikaw na may bagwis ng pakpak na naiskagyat na lumipad sa tuktok ng langit paghanapin mo ang malambing na tinigdoon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.Ikaw na ang himig ay lalong mairogTulad ni Pilomel na sa luha'y gamotat mabisang lunas sa dusa't himuntok ng puso at diwang sakbibi ng lungkotIkaw, na ang diwa'y makapangyarihanmatigas na bato'y mabibigyang-buhaymapagbabago mo alaalang taglaysa iyo'y nagiging walang kamatayan.Ikaw, na may diwang inibig ni Apelessa wika inamo ni Pebong kay rikitsa isang kaputol na lonang maliitginuhit ang ganda at kulay ng langit.Humayo ka ngayon, papagningasin moang alab ng iyong isip at talinomaganda mong ngala'y ikalat sa mundoat ipagsigawan ang dangal ng tao.Araw na dakila ng ligaya't galak magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas purihin ang bayang sa iyo'y lumingapat siyang nag-akay sa mabuting palad. Reaction Paper on ' Sa Kabataang Pilipino'When I read the poem ' Sa Kabataang Pilipino' I......

Words: 941 - Pages: 4

Free Essay

Sas Procedures

...SAS Global Forum 2009 Pharma, Life Sciences and Healthcare Paper 174-2009 Clinical Trial Reporting Using SAS/GRAPH® SG Procedures Susan Schwartz, SAS Institute Inc., Cary, NC ABSTRACT Graphics are a powerful way to display clinical trial data. By their very nature, clinical trials generate a large amount of information, and a concise visual presentation of the results is essential. Information about the patient population, drug dosages, clinical responses, and adverse events must be clear. Clinical laboratory results need to be presented within the context of acceptable limits, and subtle changes over time must be highlighted. This presentation will show, by example, how such graphs can easily be created using the SAS/GRAPH® SG procedures. The techniques that will be emphasized in this presentation include: • • • • • • Creation of a dose response plot by overlaying multiple plots in one graph Construction of a hematology panel using treatment regimen and visit numbers as the classification variables Presentation of a matrix of liver function tests (LFTs) for at-risk patients Aggregation of data into on-the-fly classification variables using user-defined formats Getting the axis you want using built-in best fit algorithms Generation of publication-ready graphs in color and in black and white INTRODUCTION The new SAS/GRAPH procedures—SGPLOT, SGPANEL, and SGSCATTER—provide new tools for viewing and reporting data collected during clinical trials. The SG procedures are an......

Words: 7726 - Pages: 31

Vector-Borne Diseases | A Canção do Oceano | Download