Free Essay

Red Paper Bag

In: Social Issues

Submitted By yourmaronliam
Words 9733
Pages 39
Ayoko na sanang magkwento tungkol sa pag-ibig. Minsan nakaka-umay na din. Dahil gaya ng lumang mantika na ilang beses na pinagprituhan, maanta na sa panlasa. Sarap magmumog ng atsara. Lahat kasi sa modernong liko ng pakikipagkapwa tao, yun ang sanhi ng kasiyahan o puno’t dulo ng problema. Pero ano pa nga bang pwede kong ibahagi? Ang kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit.

Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo.

Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’.

Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang walang sapat na lakas ng loob at dami ng ‘moves’ para umamin o magparamdam man lang. Kailan ba nagsisimulang magkaroon ng woman’s intuition ang isang babae? May age limit ba at tipong kailangan isang full fledged woman na talaga? Nasa bra size ba? Kapag tinubuan na ng buhok sa kili-kili? Kapag inahit na ang unang bugso ng buhok sa kili-kili? Kusa lang ba itong dumadating at automatic na sasapi sa katawan nila? O may isang underground training facility na magsasanay sa mga kababaihan para lumakas ang kanilang pang-amoy at pangdama sa bumubulang third-party?

Hindi ko kasi alam kung meron siya nun. At kung meron man, sapat kaya ang wavelength ng antenna nito para kahit pahapyaw na singhot man lang ay nalaman niyang halos kainin ko ang table of contents ng english textbook na madalas naming sabay na basahin tuwing may reading exercise. Hindi na siguro kailangan ng mahabang paliwanag at masalitang deskripsiyon ng mga pangyayari. Torpe ako. Panaginip siya. Hindi ko nasabi. Naubos ang oras. Cliche ng lahat ng mga cliche.

Naaalala ko na lang yung huling beses na nakita ko siya. Mga huling araw na estudyante kami sa iisang paaralan. Kumaway na lang ako habang papaalis na siya. Ewan. Wala man akong sexist gift of sight, parang may kung anong nagsasabi sa akin nun na yun na ang huling beses na magkikita kami.

Bakit ako masyadong apektado ng presensya o kawalan niya? Hindi ko din alam. Sa totoo nga medyo irita din ako sa kanya noon. Para kasi siyang perlas sa loob ng isang endangered na kabibe kung ituring ng mga teacher namin dati. HIndi man ako naaalibadbaran sa talino niya, nakaka-urat lang talaga dahil wala namang espesyal pero parang lahat aligagang bilhin ang atensyon niyang binudburan ng kinayod na niyog sa ibabaw.

Pero sa bandang ending, wala eh, nahulog din ako. Una mukha, salubsob at hindi na makabangon. Huli na ng malaman kong patapos na ang oras samantalang nagpapagpag pa rin ako at pilit na sinisilip ang mga galos. HIndi ko na siya nakita ulit. Kung namumuhay ba siyang mapayapa at buong kasiyahan o nagsisilbing pataba sa lupa at source of nourishment ng mga bulate ay hindi ko alam. Sino bang may alam? Wala na akong natanggap na balita.

Hindi naman big deal. Hindi naman ako namatay o nalublob sa matinding depression. Kaso gaya ng kati sa likod na kapag puro pahapyaw lang ang kamot, maya-maya, paminsan-minsan, bumabalik ang alaala niya. Makulit. Walang balak manahimik. Nagkaroon na din ako ng girlfriend. Iniwan na din ako ng girlfriend. Nagkaroon ulit. Tapos nawala din pagkatapos niyang malaman na kami na pala.

Sabi kasi nila, pagdating ng panahon kung saan nasa bandang takip-silim ka na ng buhay, mas pagsisisihan mo daw ang mga bagay na hindi mo nagawa kaysa sa mga bagay na ginawa mo. Wala man akong malinaw na paliwanag o matibay na eksplenasyon kung bakit, pero sa tingin ko, hanggang huli, iisip isipin ko pa rin kung ano kayang nangyari kung sakaling niyaya ko siyang lumabas para manood ng sine o kung sinabayan ko siyang pumunta ng library. Ako rin. Hindi ko maintindihan.

Hindi kaya dahil sa gitna ng punyemas na kahulugan ng salitang destiny o fate eh may nagtatagong hibla ng katotohanan at posibilidad. Na baka kaya kahit anong hinay lang ng naging koneksyon namin ay hindi ko siya maipagpag. Hindi kaya nabuhay na kami noon. At patuloy na nagku-krus ang aming landas sa bawat pahina ng reincarnation evaporated milk theory. HIndi kaya mag-sing irog kami sa panahon ng mga kastila kung saan isa akong katipunero samantalang treasurer naman siya o taga lista ng not in proper seat sa tuwing may lihim na pagpupulong ang Katipunan? O di kaya ay isa siya sa mga teller ng bangko na aking hinoldap noong panahon ng great depression? Pwede ring ako ang pinakaunang tao na gumamit ng bato bilang kasangkapan sa pangangaso samantalang siya naman ang unang gumamit ng balat ng hayop bilang underwear.

Baka kahit anong lipat, bago at lipas ng tagpo, anyo at panahon, pilit kaming pinagkikiskis ng pagkakataon. Parang nang-aasar lang. Nanunuya. Naghahanap ng mabu-bwiset. Tipong saktong dikit lang, makadama lang ng konting init ng kislap, iiiwas na din kami at saka na ulit. Sa susunod na yugto ng walang katapusang kwento.

Nagising ako kanina. Tumayo para kunin ang isusuot. Laking gulat ko ng makita ang mga lumang poster na nakadikit pa rin sa walang pinturang dingding ng aking kwarto. Ilang taon na mula nang pinilas ko ang mga iyon. Napaglipasan na kasi ng panahon ang mga basketbolistang tampok. Kailangan na ding ayusin at pinturahan ang parte na pinagdidikitan nila para hindi mabulok sa tuwing malakas ang ulan. Nakakapagtaka. Paano sila nakabalik?

Mas lalong naging praning ang eksena nang makita ang uniform ko na nakahanger sa hawakan ng aking lumang cabinet. May kung anong retro-party bang nangyayari sa bahay namin? Bigla bang naging sentimental ang nanay ko at palihim na binabalik ang mga bagay na matagal nang nabago?

Bumaba ako. Amoy hotdog na pinirito. Bakit daw hindi pa ako bihis sabi ni nanay. Male-late na daw ako sa klase.

ANONG LATE? ANONG KLASE? SAAN? NAKA-ECSTASY BA LAHAT NGAYON? WORLD ECSTASY DAY?

Pumasok ako ng banyo. Naghilamos. Baka kasi kapag sinampal ko ang sarili ko ng tubig, magigising din ako habang nasa kama kung saan napapaligiran ako ng madaming bote ng beer at ilang bukas na supot ng lecheng chicharon na vegetarian daw pero mas maalat pa sa karagatang pasipiko.

BAKA LASING LANG AKO.

Kaso wala. Walang warp o flash ang dumating para umayos ang mundo. Naririnig ko lang ang paulit ulit na pagmamadali sa akin ni nanay habang buong sindak ko namang tinititigan ang de bateryang toothbrush na niregalo sa akin noon ng ninang ko mula sa ibang bansa. Bakit buhay pa ‘to? Tandang tanda ko pa noong magretiro ito at gamitin ko na lamang bilang panglinis ng sapatos. Ano bang nangyayari?

Saklaw pa rin ng takot, kaba at pagkalito. Pero pinilit kong umayos. Ayokong magcommute papuntang mental hospital. Nagbihis na din ako at pumasok. Lahat ng lugar, bahay at kalsadang madaan ko ay tila umatras ng ilang taon. Malala na ‘to.

Pumikit ako saglit, ilang hakbang bago pumasok sa classroom. Baka kasi sa pagkakataong ito, umayos na. Pero isang tuktok ang dumating sa katauhan ng chalk box ni Ma’am Chemistry. Ano daw ang tinatayo tayo ko dun gayong madumi pa ang blackboard. Naalala ko, madalas nga pala akong mautusan na maglinis ng pisara at singhutin ng buong giliw ang mga puting alikabok sabay pagpag na din sa mga napunta sa pantalon ko.

Umupo ako sabay lumingon sa kabilang row. Andun siya. Nakatingin sa harap. Walang kibo. Gaya ng dati. Gusto ko siyang sigawan o sutsutan. Kahit ano. Matawag lang ang kanyang atensyon. Pero paano kung panaginip lang ito? At paano kung hindi? Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nakatingin. Sampu, labinglima o tatlumpong minuto. Sinong may alam? Wala naman sigurong nakapansin ng nakapanlulumo kong kahibangan dala ng mga pangyayari. Gusto ko lang siyang tignan. Baka kasi sa susunod na pagpikit ng mata ko, wala na siya. Sulit. Todo. Parang wala nang bukas. Sabagay. Paano ba magkakaroon ng bukas sa kahapon? Anong susunod kung umaapak ka patungo sa likod ng pila? Anong aabangan mo sa hinaharap kung nakalatag na ang nakaraan at doon ka mismo nakahiga? At totoo bang hindi umaalis sa pwesto ang jeep na may biyaheng balic-balic? O napatagal lang ang babad ko sa youtube kakapanood ng Wow Mali highlights?

Biglang humirit si ma’am. Tinawag ang pangalan ko. Ano daw ang atomic weight ng zirconium. Muntik na akong masuka sa kaba. Kung bumalik man nga ako sa nakaraan, punyemas, bakit lumanding sa chemistry class. Hindi naman sa bobits ako. Kaso pagdating sa subject na ito, kahit pa siguro ma-trap ako sa isang infinite loop ng school year kung saan puro chemistry ang itinuturo ay hindi ako gagaling. Bakit hindi na lang sa values education kung saan puso ang ginagamit upang masagot ang mga nakapanlilinlang na mga tanong gaya ng :

Kung sakaling niregaluhan ka ng isang kaibigan sa iyong kaarawan, ano ang iyong dapat sabihin? a. Sa wakas, after 60 years, nagregalo ka din. May naimbento na pa lang gamot sa kakuriputan.
b. Bakit ang liit? Ano ‘to? Cotton buds?
c. Maraming salamat. Ipinapangako ko na habang buhay tayong magiging magkaibigan.
d. Ibig ba sabihin nito, kailangan din kitang regaluhan?

Tumayo ako. Tumingin ang mga kaklase ko. May iba pang natatawa dahil ni hibla ng karunungan ay hindi matatagpuan sa hilatsa ng pagmumukha ko. Atomic weight? Atomic weight? Trick question ba yun kung saan ang sagot ay ‘Hahaha, walang ganun ma’am, kala mo maloloko niyo ako ah’. Mukhang hindi eh. Dahil kung meron mang hindi nag e-exist sa mundong ito, iyon ay ang sense of humor ng chemistry teacher ko.

Atomic weight? So timbang? Pumikit na lang ako sabay lunok ng ‘bahala na’. Sabi ko, 1.23 grams. Halos sumabog ang classroom sa pagtawa. Napangiti din si ma’am pero agad din nasundan ng ngiwi ng disappointment. Sabi niya umupo na lang ako. Atomic weight daw ang tinatanong niya at hindi bigat ng utak ko. Nakuha ko pa daw magpasobra sa hula ko. Natawa na din ako. Pero bumawi naman siya at sinabing dahil sa pa-tsamba kong sagot na 1.23 grams, malamang may future ako sa pagtitinda ng ipinagbabawal na gamot via sachet.

Pagkalipas ng euphoria na dala ng aking ka-engotan, lumingon ako sa kanya. Ewan ko kung tumawa din ba siya. Tahimik lang na nagbabasa ng periodic table of elements at panaka nakang lumilingon sa harap. Ulit. Kalmado. Sana ganun lang din ako. Sana parang wala lang.

Dumating ang recess. Mag-isa akong bumaba sa hagdan. Ilang hakbang lang ang lamang niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, marahil pakiramdam ko, pangalawang pagkakataon na ito para gumawa ng hakbang kaya nilapitan ko siya. Dumating din kasi sa puntong naging malapit kami noon bago tuluyang nagpaalam, kaya akala ko, kahit papaano, may kung anong pisi na nagdudugtong sa amin. Kaso sa puntong ito, hindi pa pala iyon parte ng katotohanan. Kaso huli na ang lahat.

Lumapit ako, sa bandang likuran niya. Sabay tanong ng ‘anong kakainin mo?’. Lumingon siya sa akin. Sabay balik ng tingin na parang nalilito. Tapos lumingon ulit siya na parang naghahanap ng posibleng kausap ko. Nang walang makita, tumuro siya sa kanyang dibdib sabay tanong ng ‘ako ba kausap mo?’.

Muntik na akong matunaw sa hiya at unti-unting gumapang pababa sa hagdan. Kahit pa may posibilidad na panaginip lang lahat ng ito, nakakapanghina pa rin ang sinabi niya. Pinilit kong ngumiti. Ngiti na madalas lamang ilabas sa tuwing may handaan tapos hindi mo gusto yung pagkain kaso nakatingin yung nagluto. Masyado atang matagal ang sagot ko kaya tumalikod agad siya at naglakad palayo. Pero dahil niyayanig pa rin ako ng kaba, parang timang akong sumunod sa kanya at pilit inihabol ang sagot na ‘ikaw nga’.

Hindi siya lumingon. Pumila siya sa canteen. Sumunod naman ako. Nang nalaman niyang ako pa rin ang nasa likuran niya, agad niya akong binigyan ng isang ‘kilala-kita-pero-hindi-tayo-close-kaya-please-lang-lumayo-ka-sa-akin-ng-ilang-metro’ look.

Lumabas na lang ako. Umupo sa bakanteng silya at nag-isip. Hindi ko naman siya masisisi. Ito yung mga panahon na hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Technically, bukod sa pagiging magkaklase, wala kaming koneksyon. As in wala.

Hindi ko naman pwedeng abangan siya sa isang bakanteng corridor, hawakan sa mga braso at sabihing galing ako sa hinaharap at milagrong nagbalik sa nakaraan at maaaring mabago ko ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pagtatapat ng kung ano mang mala-dragon katol na tama ko pagdating sa kanya? Hindi maaari. Dahil kapag nagkataon, tatlong lugar lang ang pwede kong bagsakan. Guidance office. Kulungan. At mental institution. Hindi ko inaasahang bibilog ang kanyang mga mata sa gulat sabay sabing ‘hindi nga?’. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung nasaan nga ako.

Dumating ang uwian. Ako ang muling nautusan na magbura ng blackboard. Palabas na ako ng inihabol sa akin ng isa sa mga cleaners ang isang notebook. Sabi ko hindi sa akin yun. Pakitanong ko na lang daw sa mga maabutan ko pang mga classmate namin. Habang naglalakad, binuksan ko. Walang pangalan. Walang address. At walang strand ng buhok para maipa-DNA test upang malaman kung sino ang may-ari. Wala din naman masyadong nakasulat sa loob. Bukod sa mga lettering at drawing gamit ang iba’t ibang kulay ng stabilo boss. Highlighter ata yung tawag dun.

May kung anong excitement ang pumuno sa loob ko. Nagmadali akong bumaba. Halos patakbo hanggang makarating ng school ground. Pilit hinanap ang isang pamilyar na mukha sa gitna ng mga naguumpukang estudyante.

Sa isa pang medyo awkward na pagkakataon, nilapitan ko siya. Sabay abot ng notebook. Muli, tinignan niya ako ng alanganing nagdududa at alaganing gustong tumawag ng pulis. Paano ko daw nalaman na sa kanya yun. Sabi ko naman, siya lang ang kilala kong adik na adik sa stabilo boss. Binatuhan niya ako ng isa pang tanong. Paano ko naman daw nalaman na mahilig siyang gumamit ng highlighter. Hindi ako nakasagot. Dahil muli, imposibleng paniwalaan niya ang posibleng isagot ko.

Ngumiti lang ako. Ngumiti na lang din siya. Kinuha ang notebook, nagpasalamat at saka umalis. Kung maaari lang, marami pa akong gustong sabihin. Hindi lang ang tungkol sa stabilo boss.

Alam ko din na mahilig kang magbasa. Na kapag isinusulat mo ang salitang ‘buko’ ay letter c ang ginagamit mo imbes na letter k. Hindi mo masabi ang salitang ‘arnibal’ nang hindi ginagamitan ng isang tila maarteng french accent. Magaling ka sa english. Sablay naman ako sa chemistry. At higit sa lahat, darating ang panahon na magiging malapit tayo. May ibig sabihin man yun o wala. Pero matatapos din. Mawawala. At hindi muling magkakaroon. Kung may isa man sa ating kusang lumayo o umiwas ay hindi ko alam.

Gusto ko lang sanang mabago. O mas tama bang sabihing, gusto kong sumubok ulit.
Tumunog yung alarm clock. Bumangon agad ako. Sabi ko na nga ba. Bumalik na kasi ang lahat sa dati. Ang ayos ng kwarto. Ang pwesto ng sapatos sa ilalim ng kama. Ang maliit na lamesa at ang mga librong di ko pa natatapos basahin sa ibabaw nito. Nakakapanghinayang. Di ko rin alam kung bakit. Malaking parte naman ng utak ko ang nagsasabing panaginip lang ang lahat. Umupo ulit ako sa gilid ng kama. Nakatulala sa wala. Sabay buntong hininga moment. Wrong move. Di pa nga pala akong nagsisipilyo. Nang maka-recover na ako sa hilo, tuluyan na akong naligo, syempre nag-toothbrush, nagbihis at umalis ng bahay.

Habang naglalakad papunta sa sakayan, hindi pa rin ako mapakali. Pilit kong inaalala yung mga detalye. Kaso parang habang hinihila ko sila pabalik, lalo namang lumalayo. Ito siguro yung proverbial na buhangin sa iyong palad. O bigas sa iyong chopstick. Hindi ko alam. Basta ang ibig kong sabihin, kahit anong pilit ko, kusang nawawala.

Ilang jeep na ang dumaan, hindi man lang ako nag-abalang lumingon o tignan ang sign sa harap nito. Ewan. Siguro baka sa loob-loob ko, gusto kong bilangin ang mga nakalampas na sasakyan, bilang improvised na tupa, hanggang sa makatulog. Baka sakaling masundan ang panaginip kanina. Baka masingitan ng mga romantikong tagpo na mababasa mo lang sa mga pocketbooks o barubal na tabloid. Baka sa isang eksena, biglang uulan at pareho kaming mai-stranded sa waiting shed tapos magkukwentuhan kami ng tungkol sa kung anu-anong bagay hanggang sa tumila ang mga patak ng ulap. O baka sa gitna ng isang klase, magiging magka-partner kami sa isang experiment, report o project. Kahit ano. Kahit pa ako ang maging guinea pig o crash test dummy. Baka sa sobrang tamis at matinding pagnanais, maging permanente na ang pansamantalang atras ng oras. At baka sa pagkakataong yun, maka-tsamba ako.

Pagtingin ko sa relo, medyo alanganin na pala. Agad kong itinaas ang kanina pa nakayukong ulo mula sa pagkakatitig sa semento, pinara ang pinakaunang jeep na dumaan, naupo, nagbayad at tumingin sa labas ng bintana. Ayoko nang magisip. Baka hindi kayanin ng marupok kong utak at tuluyan itong bumigay. Inaliw ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagaayos ng aking sling bag. Sabit sa kaliwanag balikat. Lipat sa kanang balikat. Pulupot sa leeg. Lahat ng posibleng paraan ng pagsabit nito sa aking katawan ay ginawa ko na. Madistract lang. Kaso mukhang nagdistract din yung ale sa tapat ko. Kapansin-pansin ang pag-aalala/nerbiyos sa kanyang mukha habang binibigyan ako ng mabibilis na lingon. Lalo na ang biglaan niyang paglipat ng kinauupuan mga ilang metro ang layo sa akin. Dahil dun, mas pinili ko nang manahimik. Baka pababain pa kasi ako. O mas malala, buhatin ng mga kapwa ko pasahero at itapon palabas ng jeep habang matulin ang andar nito sa pagaakalang may sapak ako sa utak o may masamang balak.

Hindi ko ma-gets kung bakit medyo matindi pa rin ang impact niya sa akin hanggang ngayon. Matagal na rin naman yun di ba? At isa pa, nabuhay nga ako ng ganito katagal nang wala siya, ngayon pa ba naman ako mag-iinarte at sasabihing siya ang mundo ko, na sa kanya umiikot ang mundo ko o na ang mundo ko at ang axis na iniikutan nito ay parehong siya. Malaking ka-draguhan naman yun. At baka ma-misinterpret niya pa na ang ibig kong sabihin ay mukha siyang globo. Mahirap na. Wala na rin naman kaming komunikasyon. Kaya malabo na ang posibilidad na tawagan ko siya bigla, sa isang maulan na madaling araw, habang nasa impluwensiya ng alkohol at hindi mapigilan ang pagsilip sa nakaraan. Isa pa, sa dinami-dami ng taong nakakasalubong ko sa MRT, mall, palengke o pampublikong kubeta, ay bakit kahit minsan, kahit sandali lang, hindi siya isa sa mga yun. Mali pala yung huling halibawa dahil hiwalay ang CR ng babae at lalaki. Hindi ko alam kung kailangan ko ba itong isangguni sa law of probability o sumuko na lang at sabihing baka hindi lang talaga nakatadhana na muling magtagpo ang landas namin. Mas madali yung pangalawa. Hindi kailangan ng math.

Baka sadyang may mga bagay lang na mahirap kalimutan. Mga bagay na nagkaroon ng pambihirang kalabit sa puso o isip natin. Hindi madaling iwan habang umuusad sa kasalukuyan. Halos imposibleng ipagpag. Daig pa ang balakubak. Malaglag man sa ulo mo, kakapit naman sa balikat o dibdib. Sana nga lang ang mga alaalang ganito ay may katapat na dandruff shampoo o lighter fluid. Na kapag ayaw mo na, pwedeng isabon para mawala o kung gusto mo ng may thrill, ay sindihan hanggang maabo. Kaso wala eh. Ganun talaga yata. Gaya ng amoy ng paborito mong ulam na madalas lutuin ng ermats mo, tunog ng laruang eroplano na natanggap mo bilang pinakaunang regalo o kahihiyan na mula sa tawanang iyong natamo nang minsan kang nalasing at sumuka, may mga memoryang matindi pa sa madikit na pulang asukal ng bananacue. At bawal ito sa mga tulad kong kasing tibay lang ng mumurahing pustiso ang puso.

Napatid lang ang hakbang ng pagiisip ko nang biglang huminto ang jeep dala ng isang malambing na tinig ng pag-para. Nakayuko at marahang lumakad ang babae papunta sa estribo para bumaba. Hindi ko na masyadong binigyan ng pansin. Normal lang naman yun. Buti sana kung sa bintana siya dumaan o di kaya ay gumulong pababa. Kaso bago pa ata tuluyang maka-apak ang dalaga sa semento ay nagmamadaling pinaandar ng dragong driver ang sasakyan. Napakapit siya at tuluyang nabitiwan ang mga dalang gamit. Agad sinita ng ibang pasahero ang nangyari at huminto naman ang jeep. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Tumulong ba at damputin ang mga nahulog niyang dala o hintayin ang matinding ratsada ng bibig niya na puno ng mura, panlalait at ilang english sentences hanggang sa matunaw ang driver at sipsipin ng lupa? Nakaka-excite kasi. Parang eksena lang sa telenovela.

Nabigo ako. At medyo nadisappoint. Kasi umiling lang yung babae at tuluyang bumaba saka nagsimulang damputin ang nabitiwan niyang gamit. Napaka kalmado niya. Pambihira. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung dala ng selective at panakanakang konsensya o sadyang sabog lang, pero bumaba na din ako at tinulungan siya. Pangako. Walang halong malisya o balak na humirit ng ‘naniniwala ka ba sa love at first sight?’pagkatapos.
Hindi ko na siya tinignan. Basta sinabi ko lang, ‘miss, tulungan na kita’. Ang term na ‘miss’ kasi ang pinaka-safe sa lahat kung hindi mo kilala ang kausap. Baka ma-offend kasi kapag ‘ate’, ‘manang’ o ‘ale’ ang gamitin ko. Kung sakaling married naman siya at may mga anak, tunog compliment ang dating.

Hindi siya sumagot. Hindi ko na rin inantay. Basta dumampot na lang ako ng ilang notebook at mga papel. Hindi ko alam kung papasok ba siya sa eskwela o ipapakilo ang mga yun sa junkshop. Ang dami eh. Sa kabila ng pagmamadali ko, parang may kung anong nakasulat sa isang folder gamit ang itim na marker ang tumawag sa atensyon ko. Pilit kong binalikan. Bahala na kung magalit siya at isiping pakialamero ako. Malinaw pa sa sikat ng araw. Pangalan niya. Pangalan ng babaeng kausap ko kanina lang para ibalik ang pesteng notebook niya, ilang taon na dapat ang nakakalipas. Umiling ako. Nagkataon lang siguro. Tutal, ang dami namang tao sa Pilipinas ang may ganoong pangalan. Tumayo ako, pinagpagan ang ilang naalikabukang folder at humarap sa kanya. Kanina pa pala siya nakatingin sa akin at nakangiti.

‘Hi’ daw, kasunod ng pagbanggit ng pangalan ko. ‘Ha?’ lang ang naisagot ko. Inayos niya ang kanyang mahaba at derechong buhok. Muntik na akong mapamura at mapaatras sa kalapit na kanal. Siya nga. Siya nga yun. Imposibleng hindi. Kinumusta niya ako. Hindi ako nakasagot. Baka kasi ilusyon lang din ito dala ng pagiisip ko kanina. O baka nakatulog ulit ako kakabilang ng jeep sa kalye at natuloy ang panaginip. Napilitan lang akong kumilos nang kunin niya sa akin ang mga gamit niya.

Napatanong na din ako ng ‘musta?’. Pinaikli, para cool. Pero siguro natural na reaksyon lang yun ng bibig ko para masalisihan ko siya ng matatagal na titig habang pinagkukumpara ang itsura niya noon sa dating niya ngayon. Mas mahaba na ang buhok niya. Dating kulot, naging straight. Salamat Ricky Reyes siguro. Mas pumuti siya. Baka nanalo ng lifetime supply ng papaya soap o papel de liha. Pero ganun pa rin ang boses. Ganun pa rin ang ngiti. Ganun pa rin ang epekto niya sa akin.

Hindi ko na narinig yung sinagot niya. O kung ilang sandali na ba ang lumipas. Basta parang nagkukwento siya tungkol sa isang bagay na naalala niya noong magkaklase pa kami. Tumangu-tango lang ako sabay ngiti na tila nang-iinis. Maya-maya pa, sinapak niya ako sa braso. Bakit daw ngayon lang ako nagpakita sa kanya. Kung alam niya lang. Na nagkita kami kanina lang.

Pasakay daw siya ng isang tricycle. Nag-volunteer na akong dalhin ang mga gamit niya at ihatid siya sa sakayan. Kahit pa siguro kailangang bumili ng ticket para masamahan siya saglit ay pipila at bibili ako. Mga tatlong rolyo ang dami. O kaya yung tipong ride-all-you-can. Konting kwento sa kasalukuyang trabaho, ilang update sa iba pa naming kaklase at marami-maraming bato ng kantyaw ng pagtaba, pagputi at pagiging mayaman na, ang sumunod. Tinanong ko din siya kung bakit ngayon ko lang siya nakasabay samantalang iyon naman ang ruta ko araw-araw. Kakalipat niya lang daw ng bahay, ilang sakay mula sa tinitirahan ko. Pinigilan kong sumuntok sa hangin na simbolo ng tagumpay with matching‘yes!’.

Nagpalitan kami ng cellphone number. Hindi pa sana sapat yun kaso nahiya na akong kunin ang address, SSS number at blood type niya para matuntun ko siya kung sakaling gumuho lahat ng cellsite mamayang hapon. Mahirap na. Sa panahon ngayon, wala nang imposible. Bago siya tuluyang pumasok sa bakanteng tricycle, may ikukwento daw siyang medyo weird. Akala ko sasabihin niyang napanaginipan niya ako kagabi na sasagutin ko naman ng buong katotohanan na ‘oo, ako rin’. Kaso hindi pala. Sabi niya, kaninang umaga, habang inihahanda ang mga papeles niya para sa isang report sa trabaho, nakita niya ang isang lumang notebook na akala niya matagal na niyang naiwala. Weird daw dahil pagkatapos nun, nagkita naman kami. Nagkibit balikat lang ako dahil posibleng mangyari naman talaga yun kahit kanino. Sabi ko, baka na-misplaced niya lang at aksidenteng natagpuan. Sabi naman niya, naiwan na daw niya yun sa school noon pang magkaklase kami. Biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na ‘yung maraming sulat ng stabilo boss?’. Biglang kumunot ang noo niya, nag-isip at tila ilang linggo nang constipated. ‘Paano mo nalaman?’, pabalik niyang tanong sa akin.

Alam kong mahabang paliwanagan ang susunod kapag sinabi ko ang totoo. At baka matakot lang siya kung ikukwento ko at isiping naging paksa siya ng isang wet dream ko. Kaya nagdahilan na lang ako na nakita ko na ang notebook na yun dati pa. Tumango siya na tila tinanggap ang punyemas na paliwanag ko saka nagpaalam. Sabi ko, text text na lang. Ngumiti siya. Ewan ko kung ‘oo ba, gusto ko yun’ ba ang ibig sabihin nun o ‘mukha mo, ungas, hindi ako magrereply’.

Malas. Kulang ang sandaling usapan para mag sink-in sa akin ang sunod-sunod na hindi maipaliwanag na pangyayari.

Malas. Late na ako.

Natapos ang araw. Hindi ko na napansin. Naubos kasi ang oras kaka-maneuver ng iwas moves para hindi makasalubong si boss sa hallway. Muntik ko na ngang gawin ang trabaho ko sa loob ng CR. Late kasi ako. Nakasabay ko kasi siya. Bittersweet. Nalagay sa alanganin ang aking estado dito sa trabaho at nanganib na maging taong grasa sanhi ng kawalan ng sahod. Pero bawi naman dahil nakita ko siya. Alam ko mukhang hindi magkasing bigat ang dalawang pahayag na yun. Handa ba akong isugal ang aking career para lang magkaroon ako ng tsansang makita siya? Syempre hindi. Espesyal siya sa akin. Pero walang pakialam ang sikmura ko sa kanya. Sa kabilang banda, ano ba naman yung makaltasan ka ng hindi tataas sa singkwenta pesos na sahod kapalit ang imahe na magsisilbing inspirasyon ko mula ngayon, hanggang sa maging employee of the year, na mauuwi sa pagiging presidente ko ng kumpanya. Nalipasan yata ako ng gutom.

Pag-uwi, panay ang silip ko sa tuwing hihinto ang sinasakyang jeep. Malay mo naman, muli akong himasin ng swerte sa pisngi at kurot-kurutin. Kaso wala. Hindi siya ang mga sumunod kong naging kapwa pasahero. Mukhang hindi nga tumatama ang kidlat sa iisang lugar nang dalawang beses. Kung magkaganun man, sobrang bihira. Maya-maya pa, may sumakay na babae. Ang taas ng takong. Pakiramdam ko may nakatagong de lata sa loob nito. Ayaw niya sigurong mamigay. Madamot. Pag-upo niya, humirit siya ng ‘ang sikip naman’, sabay simangot sa buong ka-jeep-an. Napatingin ako sa labas ng bintana sabay tanong sa hangin. Kapag kaya siya ang tinamaan ng kidlat, sakto na ba ang isang hagupit para umayos ang kilos niya o kailangan ko pang maghintay ng pangalawang matinding bagsak ng kuryente?

Hindi ko na siya pinansin. Buong biyahe ay nakatitig lang ako sa aking cellphone habang nanalangin na sana lumabas ang pangalan niya sa screen. Mapa-text, tawag, missed call o wrong sent. Kahit ano dun. Okay. Huwag naman yung wrong sent na naglalaman ng mga mensahe ng pag-ibig niya para sa iba. Masaklap naman yun.

Alam ko na masyado akong arogante para maghintay ng kung anong kislap ng komunikasyon mula sa kanya samantalang wala din naman akong ipinadala. Pakiramdam ko, mas maarte pa ako dun sa babaeng naka-takong dahil sa loob-loob ko, gusto kong siya ang mauna. Hindi ba parang may rule kung saan kapag binigyan ka ng phone number ay may X number of hours o days bago mo siya talaga tawagan para hindi magmukhang desperado at uhaw para sa ilang patak ng kanyang atensyon? Alam ko, tunog pang-pelikula at hindi naman ako nagtataglay ng pang-bidang charisma. Siguro hindi applicable sa akin yun at dapat ko na siyang padalhan ng mensahe. Isa pa, ayoko man, pero talagang cactus ako para sa kanya. Puno ng tinik ng mga alaala ng kahapon. Natutong mag-exist nang tuyo ang lalamunan. Pero sa bandang huli, hindi aayaw sa konting ulan sa katauhan niya.

Pero hindi mo din naman maaalis ang pangamba. Lahat naman siguro takot sa rejection. Tipong mas okay pang malaman mo na agad na wala kang pag-asa bago ka pa magsimula. Hindi totoong walang mawawala kung susubukan mo. Marami.

Pero bago pa man tuluyang magtalo ang imaginary optimistic at negatibong version ng sarili ko sa loob ng aking utak, kumilos bigla ang mga daliri. Tuloy-tuloy ang pindot ng keypad. Hindi ko na namalayan, nag-send na pala. Kinabahan ako bigla. Nanlamig. ‘Hi’ ang nakasulat sa pinakarecent na listahan ng sent messages. Peste. Wala nang atrasan.

Gusto kong magbungkal ng lupa, ihagis ang cellphone sa butas na iyon at buhusan ng semento. Para kung sakaling malamya man ang kanyang reply, hindi ko na mababasa. Hindi ako malulungkot. Hindi ako mahihiya sa sarili ko at sa kanya. Kaso sayang naman yung cellphone ko kung ililibing ko siya. At isa pa, hindi ako marunong gumamit ng pala.

Itinago ko na lang sa bag at pinagiisipan kung dapat ko bang silipin pag-uwi o huwag na lang pansinin hanggang sa ma-lowbat. Peste. Text lang ‘to. Pero aligagang-aligaga ako. Paano pa kaya sa tunay na buhay. May posibilidad kayang magkombulsyon ako sa harap niya kung sakaling higit pa sa magka-ibigang matagal na hindi nagkita ang mga hirit na ilalatag ko sa lamesa? Huwag sana niyang itaob. Ilang taon pa namang walang basehan na pangungulila sa kanya ang ipinusta ko.

Nag-vibrate ang bulsa ng bag ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Nginig ng kaligayahan. Nakapikit kong dinukot ang cellphone. Parang tanga lang. Sana nung mga sandaling yun, walang ungas na nakatingin sa akin at pinagtripan akong kunan ng video. Hindi ko binuksan agad. Nag-usal muna ako ng ilang maiikling panalangin. Na sana hindi ito isa sa mga tropa kong mangungutang lang. Na sana hindi ito lecheng advertisement ng aking telecom provider tungkol sa kung anong unlitext promo o libreng ringback tone. Na sana hindi lang ito reminder mula sa kalendaryo. Na sana siya yun.

Inilapit ko sa aking mukha ang screen. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Kung baga sa baraha, pinintahan muna. Napadaan sa lubak ang jeep. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone. Nag-ala action star ako sa pagkukumahog na saluhin ito habang tila laos na komedyante naman ang itsura ng mukha ko sa kaba. Nakapitan ko naman at di sinasadyang napindot. Bumukas. Pangalan niya. Tinuloy ko na. ‘Hello. Musta? It was nice seeing you! :)’. Halos ihagis ko ang cellphone palabas ng bintana sa tuwa. Buti na lang hinila ako pabalik ng konting common sense at sinabing kailangan ko pang mag-reply.

Kaso parang dahil sa pagdating ng message na yun, mas dumami ang tanong kaysa sagot. Ano bang ibig sabihin ng text niya? Parang linya yun ng mga taong nakasalubong mo sa daan, tapos gustong gusto mo maka-kwentuhan, kaso nagmamadali kaya medyo pahapyaw agad ang paalam. Dapat ko bang ibalik kahit man lang ang imortal na smiley face? At kung sakaling magre-reply ako, dapat bang i-delat ko kahit na ilang minuto man lang para hindi niya mahalatang buong araw akong nakatunganga sa cellphone ko at inaantay ang text niya? At saka dapat witty. Dapat interesante. Dapat mapapa-tawa ko siya sa susunod na padala ko ng mensahe. Para naman ganahan siyang makipagpalitan ng text.

Nag-isip ako saglit na kunwari may kakayahan talaga akong gawin yun, sabay type ng ‘alam mo ba na sa araw na ito na-assasinate si JFK, tapos saktong nagkita tayo’. Nagreply siya ng ‘so balak mo akong barilin bilang celebratory reenactment?’. Natawa na lang ako sabay sabing ‘pasensya na, wala kasi akong masabing interesante, baka hindi ka na magreply’.

Ayun. Hindi na nga nag-reply. Sarap. Lasang thumbtacks. Swabe ang hagod sa lalamunan. Derecho sa puso.

Pagpasok ko ng bahay, tinanggal ko ang mala-kulambong takip para makita ang ulam. Adobong manok. Pero ang gustong sabihin ng puso ko ay adobong damdamin. Maitim. Walang pag-asang magliwanag. Maalat. At sa gabing ito, hindi na pwedeng tumamis pa.

Tuloy-tuloy sa kwarto. Lapag ng bag. Palit ng damit sabay walang pakialam na nagpatihulog sa kama. na tila lumang commercial ng nestea. Wala akong ganang kumain. Busog na ako sa paglunok ng nilamukot na pag-asa. Gusto ko na lang matulog. At umasang bukas, nilunod na ng mga unan ang panghihinayang.

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaidlip. Nagising na lang ako bigla dahil sa maingay na panginginig ng cellphone ko sa loob ng bag laban sa kahoy na lamesang pinapatungan nito. Ang bilis naman ng oras. Nag-alarm na agad. Ganito ba kadali ang pagsikat ng araw para sa mga taong nagkaroon ng masalimuot na gabi. OA ko naman.

Kinuha ko para itigil ang panggigising niya at sabihing ‘oo, babangon na, at hihigang muli ng mga limang minuto’. Kaso sabi sa orasan, 9:02 pa lang. At hindi alarm kundi isang tawag ang nagdudulot ng panandaliang kilig sa cellphone ko. Siya. Tumatawag. Sa akin.

Hindi ko na namalayan ang pagkakasunod-sunod ng mga dialogue. Basta sabi niya sorry daw, na lowbat siya sa daan. Pakiramdam ko, ng mga sandaling iyon, magkasing sukat ang ulo ko at ang ulo ni Jollibee. Hindi naman pala ako ang problema. Hindi naman sa ayaw niya. Kundi ang pagiging mahina ng kanyang baterya ang may sala. Ang sarap damhin. Ang sarap ulit-ulitin. Lalo na kung ang ulam ay ang posibilidad na ako ang una niyang tinawagan pagkatapos na mabuhay muli ang kanyang telepono. Calamansi na lang at konting sili, pwede nang ilaban sa paramihan ng makakaing extra rice. Sarap.

Alam ko mababaw. Pero hindi naman ako nagmamadaling tumalon sa bandang doon kung saan pwede akong malunod. Wala namang sinusukat na lalim ang kilig. Kailangan niya lang ng konting rason at simpleng tulak ng pagtingin.

Handa naman akong maglakad ng ilang milya papunta sa kanya. Kahit pa kailanganin kong dumaan sa eskinitang puno ng mga patibong at wala pang nakakalabas ng buhay. Pero iba pa rin pala talaga kapag siya na mismo ang umusog papalapit sa’yo. Kahit kaunti lang. Kahit pansamantala. Kahit wala pang sigurado. Pampalakas loob lang. Kaya ‘to.

Bago magpaalam, tinanong niya ako kung gusto kong makipagkwentuhan ng mas matagal. Tungkol sa dati. Tungkol sa luma. Tungkol sa kahapon. Kasabay ng konting update sa mga bago. Hindi pa niya natatapos ang tanong, napa-oo na ako. Nakakahiya. Dinig ko ang talon ng mga sinasabi niya dahil sa biglaang sapaw ko. Sarap umuntog sa pader. Pero natawa naman siya. Text-text na lang daw kung kailan pwede.

Tumunog na ang closing beep. Pero ayaw ko pa ring ilayo ang cellphone mula sa pagkakadikit sa tenga ko. Parang may natitira pa kasing echo ng boses niya. Sayang. Kailangan simutin. At baka sakaling sa mga munting talbog ng tinig na yun, may isang bumulong na 'nakagusto ako sayo dati'. Kaso mukhang kahit permanente kong itahi ang aking tenga sa earpiece ay hindi mangyayari yun.

Balik sa positibo. Niyaya niya ako. Ayos.

Sakto lang ang dating ko. Yata. Hindi maaga. Hindi late. Ilang beses ko ding inimagine ang mga susunod na tagpo habang buong ingat na wag masyadong sumandal sa sinasakyang jeep para hindi magusot ang medyo kagalang-galang na polo. Wala akong hilig sa kwelyo. Pakiramdam ko hindi siya bagay sa Pilipinas. Mainit eh. Dapat magkaroon tayo ng bagong pamantayan ng pagiging kagalang-galang pagdating sa pananamit nang hindi isinasakripisyo ang matinding pagpapawis at panganib ng heat stroke. Tipong sando bilang business casual. Pero may hiwalay na sleeve na tatakip lamang sa region ng ating mahiwagang kili-kili, para sa kapakanan ng madla. Ewan. Kabado lang siguro ako kaya ganito mag-isip.

Sinubukan ko ding planuhin ang magiging takbo ng pag-uusap namin. Konting kwento tungkol sa mga makalumang moment naming dalawa. Kasabay ang matinding iwas sa mga nakakahiyang pangyayari noon. Gaya nung tinulungan ko siyang mag-ayos ng mga test papers at i-arrange ang mga iyon ayon sa score. Pero hinto na sa parte kung saan maaaring pumasok ang alaalang nasa bandang ilalim ang papel ko dahil sa napakaraming pulang ekis. Pasok din ang istorya ng field trip kung saan nakaupo ako sa likod ng kinauupuan niya at habang nasa biyahe panay ang palitan namin ng baon. Pero kailangang iwasan din na maisingit ang parte kung saan nagbukas ako ng cheese-flavored chips at napagbintangang nagpakawala ng bio-gas.

Syempre hindi naman pwedeng magbababad sa mga bagay na tapos na. Yun ang pinaka-mission. Ang makilala ang bagong siya. Malaman ang mga bagong balita tungkol sa kanya. At sa parehong proseso, malaman niya din yung sa akin. Kung ano ang mga pinagkakaabalahan. Mga nabasang libro. Mga paboritong pelikula. Bandang napanood ng live o asian boyband na sinasabayan ang hindi ma-decipher na lyrics. At higit sa lahat, kahit pa balewala na ang ibang sahog, ang kanyang estado pagdating sa buhay-pagibig. Kung pwede lang dumerecho dun nang walang pasakalye, malamang, tinumbok ko na. Available ka ba? Gusto kita eh. May pag-asa ba ako? Brutal na approach. Ewan ko kung may gumawa na nun. Pero sigurado ako, kung sakaling mang maisipan ko talagang humirit ng ganun, aking sisiguraduhin na hindi kami kumakain ng sizzling ostrich o humihigop ng mainit na kape ng mga sandaling iyon. Mahirap na. Baka banlian niya ako na parang dahon ng bayabas para ipanglanggas.

Kalmado pa rin naman ako kahit papaano. Binaybay ang daan papunta sa pagkikitaan naming restaurant habang binibilang ang mga parisukat na tiles sa sahig at iniiwasang matapakan ang linya. Pagdating ko, kumaway agad siya mula sa isang lamesa na nakapuwesto sa labas. Hindi ko alam kung bakit ang daming gustong maupo dun. Ang daming dumadaan na tao na tila pinagmamasdan ka habang kumakain. Medyo pigil tuloy ang bilis ng pagsubo at mahinahon ang dami ng pagkain sa bawat biyahe ng kutsara papunta sa iyong bibig. Pakiramdam ko, kapag um-average ako ng mahigit sa tatlong lunok kada minuto ay may lalapit sa akin at sasabihing ‘mawalang galang na po, pero ang takaw mo’. Hindi lang siguro ako sanay. Kasi kung ako ang papipiliin, baka magbaon ako ng tent para hindi mapansin ng ibang customer kung gaano ako kabagsik pagdating sa kainan. Pero matakaw man ako, mahiyain naman. Ewan ko kung may koneksyon.

Dahan-dahan akong lumapit. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tila inaakay ako papunta doon ng kanyang nakakahumaling na ngiti. Bagong oral prophylaxis siguro. Ngumiti din ako. Pero alalay lang. Dinuguan ang ulam ko kanina at baka hindi ito nagapi ng simpleng pagsisipilyo. Lumapit pa ako ng ilang hakbang. Sapat na yun para mapagmasdan ko ang suot niya. Simple lang. Itim na blouse. Ewan ko kung yun ba ang tawag dun. Lalaki kasi ako. Sando at t-shirt lang ang alam kong term. Nakapantalon. Tapos tsinelas. May kulay pink na bag naman na nakapatong sa lamesa. Sa kanya siguro yun. Mukhang gawa sa balat ng dinosaur. Hindi yata siya advocate ng PETA. Medyo malaki ang sukat. Tipong alanganing naglayas ng bahay, alanganing marami lang talagang dala. Keen power of observation. Pero hindi ko alam kung anong kulay ng undies niya. Hindi ako umabot dun. Hindi ako pervert. Hindi ko din alam kung bakit naisip ko yun. Muli, isa na namang bagay na hindi dapat isingit sa usapan.

Pakiramdam ko, sobrang bagal ng lakad ko. Baka dahil masyado ko lang nilalasap ang naturang eksena. O di kaya parang timang akong naghihintay ng romantikong theme song sa background. Na masusundan ng unti-unting pagbilis ng mga hakbang hanggang sa maging takbo, ganun din siya, magtatagpo kami sa gitna ng mataong daanan at tatalon siya upang saluhin ko. Iikot-ikot kami, hihinto, ngingiti at dahan-dahang magtatagpo ang aming mga sabik na labi dahil sa matagal na pagkakawalay habang mahigpit ang yakap. Tapos, maha-‘haching’ ako. Ayos.

Pagdating ko sa mismong lamesa, nagbigay ako ng isang maligamgam na ‘Hi’. Na sinuklian naman niya ng matamis na ‘Hello’. Na may side dish ng maka-diarrhea na ‘nga pala, boyfriend ko’, sabay turo sa lalaking nakaupo. Hindi ko lang napansin. Hindi pa naguumpisa ang boxing, lupaypay na ako. Binabawi ko na. Wala akong keen power of observation.

Nagkataon daw diyan lang sa malapit nagta-trabaho ang kanyang lason este boyfriend kaya naisipan na din nitong mag-break ng maaga para sumabay kumain. Babalik din daw pagkatapos. Hindi ko na masyado pinakinggan ang mga sumunod na detalye. Tumangu-tango lang ako na may mangilan-ngilang ngiti na tila nakakain ng nakalalasong singkamas pero hindi naman pwedeng magpakita ng kahinaan. Nandoon lang ako. Nginunguya ang sitwasyon. At inaantay na mamanhid ang panga, mawalan ng malay at tumigil ang tibok ng puso.

Mas instant pa sa lucky me ang pagiging broken-hearted ko. Binuhusan lang ng mainit na tubig sa katauhan ng lalaking naka-skinny jeans sa tabi niya. Tapos tinakpan ng madilim na katotohan ng ilang minuto, at voila, luto na ang noodles, papaitan flavor. May konting positibo naman. Libre daw nila. Kahit papano, may bawi. At doon ko napatunayan na hindi lahat ng bigo sa pag-ibig ay walang ganang kumain. Pucha. Bakante na ngang uuwi ang puso ko, pati ba naman sikmura? Hindi maaari yun. Ayun. Napagod nga ata yung isang babaeng crew kakabalik-balik sa mesa namin para maghatid ng kanin. Malas nila. Nakiuso sila sa unlimited rice promo. Nagkataon namang sawi ako.

Pagkatapos kong lunurin ang sarili sa kabusugan, hindi pa rin ako namatay. Malas. Akala ko kasi posible ang scenario na yun. Kaya naman nasaksihan ko pa ng live ang pagpapaalam nila dahil kinailangan nang umalis ng boyfriend niya. With matching kiss. Ang tamis. Para silang leche flan. At ako naman ang walang lasang llanera na naging biglaang spectator ng kanilang pagmamahalan. Kinamayan ako nung lalaki at nagpaalam. Nung mga sandaling yun, parang mas gusto ko pang isuksok ang aking daliri sa isang live na electrical outlet. Baka kasi hindi ganun kasakit. Kumpara dito.

Purnada ang plano. Nagulo ang proseso. Lahat ng mga bagay na gusto ko sanang sabihin ay tila naging mga langgam na nagtakbuhan sa iba’t ibang direksyon pagkatapos ihian ng isang pilyong bata. Napatulala na lang ako sa lamesa at mga walang laman na plato. Tinawag niya ako gamit ang mahinahong tinig. Tumingala ako para tignan siya. Bumungad siya ng ‘naalala mo nung filed trip natin dati?’. Tumango lang ulit ako at ngumiti. Yun din kasi ang balak kong pag-usapan. Ngayon, gusto ko na lang itanong sa kanya kung bakit.

Bakit niya ako hinila sa patibong na ito? Bakit niya ako itinulak sa isang ambush? Bakit hindi niya na lang sinabi agad? Bakit hindi niya naramdaman na gusto ko siya noon? Bakit tila hindi niya pa rin nararamdaman na gusto ko pa rin siya ngayon? Bakit siya lumalabas sa panaginip ko? Bakit sa dinami-dami ng jeep, doon pa siya sumakay sa parehong jeep na sasakyan ko?

At higit sa lahat, bakit hindi niya ako hinintay?

Hindi ko alam kung mabagal lang ba talaga ako o sadyang nagmadali siya. Pero sana inantay niya man lang ako kahit isang araw pa. Nanood muna siya sana ng pampadami lang na channel sa cable gaya ng arirang, nag-aral ng ibang lenggwahe, nag-cross stitch, nag Robin Padilla movie marathon, umukit ng kahoy base sa katauhan ni Machete, nagpalambot ng karne ng kalabaw gamit ang sindi ng katol o nagtanim ng monggo sa basang bulak at inantay itong maging togue. Kahit ano. Palipas inip lang. Darating naman ako. Puro galos man o gusot ang damit. Darating ako.

Sabagay, hindi ko naman pwedeng ibaling ang sisi sa kanya. Wala kaming kasunduan o napag-usapan tungkol sa kung ano man ang namagitan o pwedeng kahinatnan naming dalawa. Ako lang naman yung timang na umasang balang araw magkikita kami ulit at magkakaroon ito ng matamis na tuldok. Kaso wala na. Ilang taon din yun. Kung sakaling nagkaroon man siya ng, sorry for the term, ‘something’ para sa akin, malamang napanis na din ito sa paglipas ng mga araw at nauwi sa basurahan.

Sabi nila, kung gusto, maraming paraan, kapag ayaw, madaming dahilan. Hindi naman laging tama yun. Minsan siguro, sa buhay, may invisible force field na humaharang para makuha ang mga bagay na gusto natin. Kahit anong tindi, diin o tapang ng kagustuhan mo, minsan talaga ayaw, sablay at hindi pwede. Wala ka nang magagawa dun. Maliban sa umasa na sana, pagdating ng araw na pwede na, ay pwede pa. Ngiti. Tango. Tango. Ngiti. Halos lumungad na ako ng mga gestures ng pagsang-ayon na hindi ginagamitan ng salita. Barado ang lalamunan. Dumikit ang dila sa ngala-ngala. Wala akong masabing maganda kaya minabuti ko na lang na maging bida sa isang tila classic na silent film. Kaso sa eksenang ito, wala akong cute na bigote tulad ni Chaplin at hindi nakakatawa ang mga sumunod na pangyayari.

Natabig ang takbo ng dapat ay mga makalumang istorya namin papunta sa matamis kwento ng pagmamahalan nilang dalawa. Kung paano sila nagkakilala. Kung paano siya niligawan. Kung paano siya patuloy na nililigawan nito sa araw-araw. Kung paano sila nakalagpas sa mga pagsubok ala telenovela. Nakaupo ako sa tapat niya habang abot kisame ang ngiti niya sa tuwa habang naglilitanya. Abot kisame. Partida, nasa ground floor kami. Wala naman akong magawa. Medyo awkward naman kung bigla akong magsisisigaw sa gitna ng pampublikong lugar na iyon sabay itaob ang mesa kung saan kami nakapuwesto na tila isang sugarol na lubog sa utang at gumawa na lang ng paraan para muling mabalasa ang malas na baraha.

Kaso, sa bawat tipid na ngiti na iniaabot ko sa bawat sentence niya, pakiramdam ko, akala niya na sincere ang mga iyon kaya hala, sige, panay pa rin ang buhos ng kwento ng kanyang buhay pag-ibig kung saan kahit extra ay hindi ako kasali. Gusto ko nang umubo ng pasadya. Para naman makahalata. Kaso baka sa sarap ng kwento niya ay hindi niya pa rin mapansin ang pagputok ng bawat ugat ko sa mata na tanda ng matinding hinagpis at saka abutan ako ng cough syrup.

Puno ako ng saya at pag-asa nung umalis ng bahay. Pagdating ko dito, nadurog lahat. Muli, hindi ko naman siya sinisisi. Wala akong karapatan para magalit o kahit ga-hiblang tampo man lang. Pero parang sobra naman ang ikot ng tadhana. Nasagasaan ako ng aking hilaw na pagmamahal para sa kanya. Ang masaklap dun, hindi siya huminto para tignan man lang kung napano ako. Kung buhay pa ba o kasalukuyan nang nginunguya ang sarili kong siko dahil sa lakas ng impact. Paano ba naman, hindi niya alam eh. At bilang cherry sa ibabaw ng patong-patong na kamalasang ito, ako na nga ang biktima ng hit-and-run ng pag-ibig, ako pa ang nag-iisang witness sa mga testimonya ng kanyang walang umay na pagmamahal para sa ibang lalaki. Ang sarap. Walang katulad. Ngayon alam ko na kung bakit maraming ayaw gumamit ng helmet. Para kung sakaling hindi mapigilan ng sangkaterbang katok sa kahoy ang aksidente, at least, hindi mo na mararamdaman ang sakit.

Pag-uwi sa bahay, dumerecho lang ako ng kwarto. Hindi ko na inalam kung anong ulam, kung anong palabas sa tv, kung bakit maraming jerbaks ng aso sa kalsada at kung ilan sa kanila ang natapakan ko. Hindi na ako nagpalit ng damit. Masyado akong malungkot para isipin pa ang personal hygiene. At isa pa, para bawas labada. Pinatay ko ang ilaw. Nilakasan pa ang bentilador. Pinagsusuntok ko ang unan bago tuluyang higaan para eksakto ang hugis. Para na din mailabas ang sama ng loob. Hindi ko na binuksan ang umiilaw kong superman action figure bilang night light. Mas mabuti na ang madilim. Para mas madaling lunurin ng antok at makatulog agad. Oo, aminado naman ako. Takot ako sa dilim. Pero ngayon... ganun pa rin. Kaya binuksan ko na din ang nasabing source ng malamyang ilaw. Ayoko ng total absence ng liwanag. Pakiramdam ko kasi, bigla na lang may bubulong sa tenga ko at sasabihing magkakaroon ako ng diarrhea for seven days gaya ng isang sikat na horror flick. Pero ngayon, dahil sa lungkot, matutuwa pa siguro ako kung may ilang tinig mula sa kadiliman ang magsasabi sa aking ‘kung mag-asawa nga naghihiwalay, sila pa kaya’ o ‘patience is a virtue, maghihiwalay din sila’. Alam mo yun. Tamang pep talk lang. Sige na nga. Tamang maitim at mala-villain na pep talk lang.

Kinabukasan, para sa almusal, nagsagwan ako ng ilang itlog para maging scrambled eggs. Pero bago ko tuluyang basagin yung yolk, parang naawa ako. Dahil sa hindi malamang dahilan, tila gustong kumunekta ng nasabing pula ng itlog sa puso ko. Parang kapag tinuluyan ko itong batihin, makikita ko ang visual representation ng pagkadurog ng puso ko. Hindi ko din alam. Baka praning na ako. Ayaw ko siyang kanawin ng tinidor. Hindi. Hindi maaari. Dahil alam ko kung paano masaktan. Kung paano magdusa. Kung paano ialay sa kamay ng iba ang iyong natatanging pag-ibig para lamang basagin sa ngalan ng kaligayahan ng iba. Hindi. Hindi maaari. Kailangan kong sagipin lahat ng egg yolk sa mundo mula sa pagkadurog. Kahit ito pa ang pinakahuling bagay na gagawin ko sa aking boring na buhay.

Kaso biglang kumalam ang tiyan ko. At mainit na ang mantikang nakasalang. Sikmura muna bago ka-abnormalan ng puso.

Habang naglalakad papasok ng trabaho, naisip ko, na mas magiging matiwasay ang pamumuhay natin sa mundong ito kung sakaling gawa sa makina ang puso natin. Isipin mo na lang kung ang puso ng bawat tao ay hango sa design ng isang calculator. Pwede mong i-set ang function. Pwede mong i-off ang kakayahan nitong magmahal. Madali lang din naman ibalik kapag pwede na. At ang pinaka importante sa lahat, gaya ng karamihan sa ating mga electronic na kagamitan, kung sakaling magka-problema tulad ng sitwasyon ko, napaka-applicable ng time-tested na pangunang lunas; ang katok at ihip. Di ba? Kapag pumapalpak, katukin mo. Kapag sablay ang takbo, ihipan mo. Simple. At madalas, sa di malamang dahilan, ay epektibo. Hindi ko pwedeng isalin sa salita kung gaano ko kagustong katukin ang puso ko at kumbinsihin siyang marami pang iba. At kung sakaling pumalag, iihipan ko ng matindi, baka madumi lang gawa ng matagal na pag-tengga mula sa pagmamahal kaya hirap umintindi. Sana ganun lang kadali.

Kung iisipin mo, mas okey na lang siguro kung hindi ko siya nakita ulit. Alam ko medyo martir ang datingan pero mas convenient ang kasalukuyan kung sakaling hindi nangiliti ang nakaraan. Baka sa mga sandaling ito, masaya akong naglalakad patungo sa sakayan ng bus, kung saan ako lang mag-isa pero kahit pa ako lang ang timang na sumusunod sa batas, masaya pa rin. Baka paguwi mamaya, ie-enjoy ko ang isang apa ng ice cream habang buong ligayang kinakawayan ang bawat makakasalubong sa daan. Pwede ring mamasyal ako mag-isa sa mall at maghanap ng sapatos na hindi naman talaga available doon para lang kunyari ay isa akong possible customer.

Siguro ito ang dahilan kung bakit minsan ayaw nating malaman ang sagot sa isang matinding tanong. Gaya ng mahal din kaya niya ako o hindi. Dahil sa loob-loob ng bawat isa, may sagot na gusto mong panghawakan. Tipong kahit anong labo o liit ng tsansang maging totoo, dun ka pa rin nakakapit.

Kung hindi ko siya nakita, baka napeke ko pa ang sarili ko at isiping all this time, hinahanap niya rin ako. Na sa bawat gabing sumasagi siya sa isip ko ay naiisip niya rin ako. At sa mga sandaling biglaang maubos ang LPG namin ay handa siyang magpasalang ng sinaing sa kanila.

Ngayon, hindi na pwede yun. Wala nang wishful thinking. Natira ay suicidal tendencies.

Pauwi na ako at kasalukuyang naghihintay ng masasakyan. Natapos na naman ang isang araw. Muling umikot at napagod ang mga kamay ng orasan. Ilang libong sasakyan ang pumaroon at pumarito sa kalsadang kinatatayuan ko. At ilang lapis na naman ang napudpod dahil sa hindi matapos-tapos na pagkamangha ko sa automatic na pencil sharpener.

Nagbibilang ako ng barya bilang pamasahe. Ayoko na kasing sa jeep pa mismo maghalungkat ng ibabayad. Mahirap kaya yun. Lalo na kung punuan. Mission impossible ang pagdukot sa bulsa para makuha ang kakaunting pera. Pati na din ang cellphone. Kaya naman sakto ang timing ng isang text na dumating. Hindi pa ako nakakasakay. Pwede ko pang basahin nang walang usiserong nakikibasa at nang hindi kailangang mag a-ala lastikman para lang mahugot mula sa sisidlan ng aking pantalon. Naks. Ang lalim.

Halo-halo ang emosyon nang bumungad ang pangalan niya. Konting tuwa, konting gulat, isang dakot na pagtataka at tatlong kilong kilig. Binuksan ko agad, kasi atat ako. Napa kunot ang kilay ko kahit hindi ko iyon kayang gawin nang makita ang mensahe niyang binubuo ng isang salita, isang punctuation at isang emoticon. Kape. Question mark. Smiley face.

Hindi ko na-gets. Magulo ang text message niya. Isang salita lang pero ang daming tanong na pumasok sa utak ko. Nagkataon bang nabura lahat ng pangalan sa contacts niya at natira lang ay mga numero kaya isa-isa niyang tinetext ang nasa listahan para hanapin kung alin dun ang numero ng kaibigan niyang nagngangalang kape? Alam mo yun? Yung tipong may nakasalubong ka sa madilim na daan tapos hindi mo sigurado kung yun ba talaga ang sundo mo kaya tatanungin mo siya ng 'Hannibal Lecter?, is that you?'. O baka isa itong survey kung ilan sa mga kakilala niya ang mahilig sa kape. Pwede din namang isa itong makabagong 'flames' kung saan ang sumagot ng 'tsaa' ay makakatuluyan niya samantalang ang sumagot ng 'liquid bleach' ay 'enemy'.

Parang tanga lang pero parang profound din at the same time.

Kaya naman nireplyan ko siya ng napaka-lalim din na 'ha?'.

Kung gusto ko daw bang magkape. Sa totoo lang, hindi. Pero ngayon pa ba naman ako magsasabi ng totoo? Sinabi niya ang lugar. Andun na daw siya. Sabi ko naman papunta na ako. Muli, walang palag.

Gusto ko na sanang magmadali. Kaso hinila ako pabalik ng alaala ng nakaraan naming tagpo. Sakto sa oras akong dumating. Ang premyo? VIP ticket para mapanood ang tunay na buhay na love story niya sa lalaking hindi ako. Baka muli kong maabutan sila ng boyfriend niya. Alam ko pang-bobong solusyon, pero naisipang kong magpatagal muna. Malanding pagpapa-late. Baka kasi sa pagkakataong ito, masuyo ng aking lecheng pagpapa-importante ang tadhana at pumayag itong ma-solo ko siya. Kahit pa ako lang ang nakakaalam ng totoong pakay. Bantay salakay.

Naka-ilang text din siya kung nasaan na daw ako. Isang beses lang ako ulit nagreply ng 'papunta na, saglit na lang'. Na alam naman nating lahat ay code para sa 'wala pa akong balak umalis ng bahay, ang ganda ng palabas sa tv'. Mga kalahating oras din ang lumipas. Ilang chewing gum ang natanggalan ko ng tamis at posibleng maging bangungot ng kung sino mang makakatapak nito. Ilang metrong lakad na lang ang layo ko sa tagpuan nang i-text ko siya na naglalakad na ako papunta dun. Para tumayo siya o lumabas at mas madali kong makita. Walang reply. Tumuloy na ako. Hindi naman siguro mala-concert ang lugar na iyon para mahirapan akong hanapin siya. Nagkamali ako. Parang concert nga. Ang daming tao. Pero hindi mismo sa lugar na pinagbibilhan ng kape kundi sa tawiran sa tapat nito. May kung ano silang tinitignan. Maya-maya pa, may tumunog na sirena. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil takot lang ako sa tunog ng bumbero. Minsan na kasing muntik masunog ang bahay namin sanhi ng pesteng christmas lights.

Lumapit ako. Sumingit sa pagitan ng ilang tao. Dumating ang ambulansya. Lalo akong kinabahan. Nakita ko siya. Buhat ng isang parang medical staff. Walang malay. Inilagay sa stretcher. Tinakluban ng tila kumot. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero nanghina ako. Gusto kong tawagin ang pangalan niya pero hindi ako nakapagsalita. Nagsama na ang takot, pagkabigla at nerbiyos. Muling tumunog ang sirena. Wala na siya. Unti-unting nawala ang mga tao. Habang naiwan ako dun. Tulala. Pero pinilit kong kumawala sa tali ng mga pangyayari. Walang anu-ano, malumanay kong hinawakan ang braso ng isang lalaki na tila mas nauna sa akin para huminto ito. Tinanong ko kung anong nangyari. Sabi niya, halos katabi niya daw ng lamesa ang babae kanina. Parang may inaantay. Maya-maya, biglang tumayo, naglakad at tumawid. Baka daw sasalubungin ang katagpo na hindi alam kung nasaan siya dahil iniwan ang puno pang inumin na binili. Tumango ako. Itinuloy niya. Nahagip daw ng mabilis na sasakyan bago tuluyang nakatawid. Tumango lang ako ulit. Naglakad ng mabagal. Sabay sumalampak ng upo sa gutter. Hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko alam ang gagawin.…...

Similar Documents

Free Essay

Bag Day Assignment

...8/27/13 1B Bag Day Assignment 1. These goggles represent my love for swimming. Ever since I was little, my parents pushed me into all these lessons and as the weeks, months, and years went by, I grew a passion for the sport and have been practicing it ever since. A map, for me, symbolizes my hobby of traveling. Ever since I drove to Texas from California when I was 11, I grew interested in seeing all the views, attractions, the horizons, and I also love the rush of adventure. My lovely couch basically sums up my personality. I am one of those go-with-theflow kind of people. I try not to stress, and just do what person would do at home on a couch, sit back and relax. A bell, represents my talent for music. I began to play piano when I was little, then started violin and the guitar a few years later on. My last and final object I would use to tell about my personality is a recording device. I have a pretty good long term memory, some even when I was in the Philippines. Listening to people is also a skill that I have, meaning I can give advice, and give an honest input on things. 2. Being able to communicate with people plays a crucial part in a person’s life. We cannot be successful in what we do if we lack the ability to communicate with others. Being a good communicator does not only mean you have to be able to speak “well”. Speak with clarity and articulation, while still maintaing good eye contact. No one wants to be the person at school or work who no......

Words: 595 - Pages: 3

Free Essay

Plastic Bag Externalities

...Plastic Bag Externalities Audrey Lee ECO305 January 2, 2014 Positive Externalities The positive externalities of plastic bags include the ability to be recycled into other plastic products, lower transportation costs, helping to prevent contamination of hazards. Plastic bags have affected the economy by making the bags cheaper than other bags so they are more readily available. Plastic bags produces 70% less air pollution and 50 times less water pollution than in production than paper bags, and plastic bags require less energy to produce from start to finish; therefore less money is spent on cleaning up the pollution. Plastic bags have greatly helped to reduce the contamination in the health field by allowing healthcare workers to keep contaminated agents from spreading, thus lower the cost of healthcare this is especially helpful in third world countries. Negative Externalities The negative externalities of plastic bags include the following: most plastic bags end up in the landfills, oceans or as litter, all chemicals used to create plastic bags are toxic, plastic bags take 20 to 1000 years to decompose, and kill animals. One of the biggest plastic bag externalities is that plastic bags have a short use life, they are generally used for the short time from the store to home and then discarded. The discarded bags take 20 to 1000 years to decompose but most landfills today are not designed to decompose the products being put into them, so these......

Words: 441 - Pages: 2

Free Essay

Green Bag

...plastic bags to wrap customer purchases. You know that the traditional plastic bag takes about one thousand years to decompose (cbc.ca) and want to do your part to stop the proliferation of plastic bags in landfills. You feel that this is the kind of environmental action that will be popular with potential customers and a good opportunity to do some green marketing. To be genuine, you have to ensure that none of your business practices contradict your decision not to use plastic bags. What if customers who happen to walk behind your store see an overflowing trash bin filled with paper, cardboard and plastic bottles? Obviously, he or she will decide that you don't care as much about recycling as you say you do in your green marketing. Not using plastic bags appears to be environmental no-brainer, but you will still need to educate your target market. Did you know that a single use plastic bag takes about one thousand years to decompose? I didn’t until I researched this article and probably a fair number of otherwise environmentally conscious people don't either. This one little factoid about plastic bags could be used as part of your green marketing campaign - all by itself it lets the public know why single use plastic bags are environmentally disastrous and that you and your business care about the environment. And the third element? By shopping at your store, the customer is taking action to protect the environment by preventing at least one single use plastic bag from......

Words: 807 - Pages: 4

Free Essay

Air Bags

...is to someone, one would simply say it is a bag that inflates during a car crash to save someone's life. But to dig deeper, what is the science behind an airbag and does it always work? An airbag is a nylon bag in the steering wheel of a vehicle. When the censor in the steering wheel goes off that an accident has happened, the airbag inflates within two milliseconds. Within the nylon bag, there is a mixture of sodium azide (NaN3), and potassium nitrate (KNO3), that react when the airbag sensor goes off (Brian). This reaction causes an explosion, “[filling] the airbag with about 67 liters of nitrogen gas- which is enough to inflate a normal air bag” (Scientific America). Theoretically, in the right amount, this will inflate the airbag to the right amount to save the person's life. However, this is just theoretically. In some instances, the airbag may inflate too much or too little, and fail to save a life. Although the scientists that design the airbags use ut-most caution, not every experiment will turn out the same and inflate the airbag perfectly. In an experiment conducted here at "Charley's Newspapers" we stimulated the reaction between baking soda and vinegar by blowing up a plastic bag that was designed to save an egg. This was to get a feel on how accurate an airbag may be. Using very precise stoichiometry, our scientists here had found that .8 grams of baking soda and 11 mL of vinegar should theoretically blow the plastic bag up enough to save the egg's life.......

Words: 348 - Pages: 2

Premium Essay

Red Bull Research Paper

...Slater White STR 356 Sports Promotion Professor Walpole 5/2/12 The World of Red Bull Red Bull is a sugary, caffeinated drink intended to give consumers a boost of energy. Available in cans ranging from, 8, 12, 16 and 20oz cans. Founded in 1984 by Austrian businessman Dietrich Mateschitz, Red Bull has become the worlds leading energy drink, a staple in many young, and active people’s lives. Much of Red Bull’s triumph in the industry comes from its ability to market itself within the sports industry. The approach is aggressive and exceeds simple sponsorship. Red Bull focuses much of its time on brand management, and ownership allows it to completely control how its brand is connected with a given sport. The drink claims to improve some of the most important attributes of successful sports people – fast reactions, concentration and endurance. Priding itself on these attributes, Red Bull realized how effective the drink would be within the sports industry. As soon as Mateschitz realized the possible profitability Red Bull could generate within the sports industry there was nothing stopping him. Red Bull began supporting approximately 500 extreme sports athletes and hosting exclusive parties for these amazing competitors. By 1997, Red Bull’s buzz marketing strategy proved successful. Brandon Steiner, of Steiner Sports Marketing says, "It's a good relationship with what the drink stands for and what the sport stands for. It doesn't surprise me to see that kind of synergy....

Words: 1640 - Pages: 7

Premium Essay

Bag the Ban or Ban the Bag

...Ban the Bag or Bag the Ban: An In-depth Look Into Austin’s Ban on Single-Use Bags In today’s day and age, the topic of environmental sustainability and the protection of the environment are found at the basis of a multitude of political debates and arguments. The way we, and our government, view the protection of the environment and the impact we have on the world around us has shaped the types of policies that governments in the U.S. have passed. One of these policies which has been implemented in a variety of cities around the United States, including Austin, is the ban on single-use plastic and paper bags. This ban has been hotly debated, and there are many people who view it as beneficial and many others who see it as unnecessary and imposing. Either way the impacts of this policy are far-reaching in how it can affect customers, businesses, and the environment. In this paper, I will show the conflicting arguments in this ongoing debate, focusing on the bag ban implemented in Austin in early 2013. We will begin by looking at the two opposing sides to the argument. There are many groups of people who advocated for the implementation of a city ordinance banning single-use bags in Austin and who continue to support it. The Austin City Government, led by Mayor Lee Leffinwell, and the Austin Resource Recovery, formerly known as the Solid Waste Services (SWS) Department, were the main proponents who pushed the ordinance into effect. In addition, the Zero Waste Advisory......

Words: 3038 - Pages: 13

Free Essay

Levels of Acceptability of Using Paper Bags by Selected Vendors in the Market of Sta. Rosa, Laguna

...employment, product and services, publicity and sales. Retail paper and plastic bags are common packaging tools in the market but due to environmental issues and the public’s awareness more people are decided to use retail paper bag instead of plastic. Paper bags are used for many things, to put up lunches for kids, to bring in the groceries, to take out the trash, to hold the things and help us stay organized. Many markets have switched from plastic bags to paper bags. Paper bags are less expensive. Cost Effectiveness is one of the reasons why they prefer paper bag other than plastic bag. Many vendors and consumers have complained about using plastic bags to put their goods. Some market and grocery stores now give a choice between paper bags or plastic bags. Some Smart shoppers choose to use paper bags instead of plastic assuming that it is an environmentally friendly and better alternative. Paper Bags are usually made up of plant fibers substance from fibrous cellulose materials as rags, woods, or barks. Paper bags were invented in the 1850’s. Paper bags are recyclable. Well known grocery stores, supermarkets, fast food chain, establishment and markets uses brown paper bags to hold their items since there are laws that are implemented to ban the usage of plastic bags in some provinces and cities in the Philippines. Paper bags can easily be disposed and not a harmful thing in the......

Words: 5582 - Pages: 23

Free Essay

Plastic Bag

...Plastic Bag Jeff Blanchard COMM215 November 3, 2014 Gayle Thomas Plastic Bag I feel that the Senate Bill 270 has too many negative consequences to be of significant value to the citizens California. Because of the dramatic change in environmental resources used and the financial impact for fixed income citizens. The tax increase on California consumers are also an issue. This bill is a ban on the use of single use plastic bags at grocery stores. Which has been a controversial subject for a number of years. I think this is the worst decision that the Governor has ever made. On September 30, 2014. The California Governor signed a very controversial bill that bans the use of single use plastic bags in grocery stores in the State of California. “This bill, as of July 1, 2015, would prohibit stores that have a specified amount of sales in dollars or retail floor space from providing a single-use carryout bag to a customer, with specified exceptions.” (California SB270). First of all, I would like to state that there are two very opposing arguments that view this bill. To ban and not to ban. I would like to state my position as not to ban the use of plastic bags. This ban like some others will affect all the citizens of the State of California. In which, we will all either have to pay for the use of paper bags or buy reusable grocery ones. It requires all grocery stores to “charge a fee” for paper bags at no less than .10 cents a bag or, sell reusable bags. “Union......

Words: 800 - Pages: 4

Premium Essay

Air Bag

...the car were to crash into a tree, the force of the tree would bring the car to an abrupt halt. The speed of the occupants, however, would remain the same because of their independent inertia and they would bang into the steering wheel, the dashboard or the windshield. The force exerted by the steering wheel or the windshield would then bring the occupants to a stop but may in the process cause injury to vulnerable body parts such as the head and the face. Car manufacturers use 2 different restraint systems to help stop the occupants while doing as little damage to him or her as possible. The oldest one is the seatbelt that spreads this stopping force across sturdier parts of the body over a longer period of time to minimize damage. The air bag is the second and a more recently developed system that is used to deploying a rapidly inflating cushion in the space between the passenger and the steering wheel or dash board to prevent crash injuries. Fig1-Diagram of an airbag.[3] 2.History of Airbag:- The car manufactures has spent a great time in advancing car safety features. The airbag is one innovative safety feature. Before the airbags that were placed in cars, the cars did not have any safety features. They had an automatic seatbelt. The car manufactures first introduced the airbag system in the 1970s. In 1971 the Ford Company tested the airbag system at an experimental fleet. Then a few years later the Chevrolet made the airbag in cars just for the governmental......

Words: 7368 - Pages: 30

Premium Essay

Plastic Bags

...“Plastic Bags” 1 Romonia Ceaser December 16, 2014 Grantham University “Plastic Bags” 2 From slide the three most important thing I learned was nearly 200 different species of sea life including; whales, dolphins, seals and turtle die due to plastic bags, they die after ingesting plastic bag which they mistake for food, second bag find their way into the sea via drains and sewage pipes, third the effect on wildlife can be catastrophic, birds become terminally entangled (To complication). My recommendation concerning plastic bags to public. As I address the public-at-large my recommendation regarding this matter will be, the next time a clerk at my (our) grocery store ask whether I (we) prefer paper or plastic for my truly eco-friendly response and saying “neither”. I believe plastic bags end up as liter that fouls the landscape, and kill thousands of marine mammals every year that mistake floating bags for......

Words: 409 - Pages: 2

Free Essay

Plastic Bags

...Act to phase out the use of single use plastic shopping bags LD 325 An Act to phase out the use of single use plastic shopping bags One hundred and sixty thousand plastic bags are used globally every second of every day. China, a country of 1.3 billion, consumes three billion plastic bags daily, or one trillion ninety five billion per year, according to China Trade News. (Plastics News) In 1965, Celloplast came up with the design on which all modern plastic shopping bags are based: a tube of plastic sealed at the bottom to allow for the packaging of goods, an open top to insert such items into the bag and handles for convenient carrying. This bag is commonly known as the T-shirt bag or single use plastic shopping bag. By the end of 1985, 75% of U.S. grocery stores carried plastic bags in addition to paper ones, and today, plastic bags have secured more than 80% of the grocery and convenience store market. When Exxon Mobile introduced these bags to the U.S. in the late 1970’s they were immediately met with controversy. Not only were people worried about the environmental impact of the plastic, but suburban shoppers preferred paper bags that would stand upright in the trunks of their cars, while city folk liked the handles on the plastic bags to carry on their walk home. Plastic bags won the minds and hearts of business owners worried about their bottom line. (Petru) Plastic bags are much cheaper to purchase than paper by up to 4 times. The plastic is also waterproof......

Words: 2613 - Pages: 11

Free Essay

Reusable Shopping Bags

...Reusable Shopping Bags In some areas of the United States people are given the choice to bring in and use their reusable bags or to pay for the convenience of using the store provided paper or plastic bags for their purchases. Some people find reusable bags as an inconvenience, especially if they do not have one on hand for times they need to pick up a couple of items from a store. Reusable bags can be small enough to have on one’s person. The use of reusable shopping bags reduces the waste of plastic store bags in landfills and water systems. There can be a compromise; some stores offer the reusable bags at the checkout area of the store offering credit to the consumer, as well as offering promotions in support of using the reusable shopping bags. One major cause for promoting reusable shopping bags is to reduce our carbon footprint. The importance of reusable shopping bags is they are convenient and will help our planets environment. The problem with not using the reusable bags is that you may be faced with a decision at the store checkout register of being charged for the use of the stores plastic or paper bags for your items. If you choose not to purchase the stores bags, then you as the customer would have to carry your products out of the store by hand. In the past people have been used to having the convenience of using the store provided plastic recyclable bags and then just throwing them away. Little did people know what the store plastic bags......

Words: 1550 - Pages: 7

Free Essay

Jute Bags

...http://www.oxfamshop.org.au/accessories/5560296 Recycled jute bag with Oxfam logo $29.95 Jute String Bags $5 http://www.noplasticbags.org.au/alternatives/supplierDirectory.aspx#jute |Jute bags | |MJK Traders - (02) 8814 8111. | |Provide jute bags in a range of colours. | |Earth Bags – 0431 633 375 or via www.earthbags.com.au | |Bag People - (02) 9918 8112 or via www.bagpeople.com | |http://bagpeople.com/en/jute-bags.php | |2 fabric options, Laminated Jute and Raw Jute. | |Very plain, minimal to no designs | |Add Value Promotions - 1800 674 722 or via www.addvalue.com.au | http://www.jutebag.com.au/ registered Australian company engaged in providing reusable, recyclable and 100% biodegradable shopping bags made of natural jute fibre. http://www.ecobags.com.au/Categorydetail.aspx?CID=5 jute bags, no design http://www.promotionproducts.com.au/galleries/Promotional-Bags/Jute-Shopping-Bags/Printed-Jute-Bag/ VOLUME DISCOUNTS - if you require a quantity higher than 1000 units and have 10+......

Words: 644 - Pages: 3

Premium Essay

Recycle Bag

...1.0 Executive summary Bemis Company known as eco bags are produced form banner wasted and not used also known as earth-friendly banner since 2010. Eco bags are unique and the bags are functional to care what you’re bought that can be used many times and do not harm the environment because it is environmentally friendly. Eco bags can make consumer care about the environment, especially to awareness about to reduce pollution such as air pollution and water pollution when we burned or throw away that unused banner. Bemis Company is a leading manufacturer in Malaysia Eco Bags was located at Jalan Putra Square 6, 25200, Kuantan, Pahang. Bemis Company was initially founded by 5 best friend since childhood, Jeniffer as CEO, Mun Yee as operation department manager, JR Yee as secretary, Atikah and Maizura as marketing manager. With have our own slogan with is “ Lead The Scene To Keep Green” The brand will be launched at the same time we want to make sure create brand awareness eco bags among potential customer and distribution partners the future of advertising in various media. Our product will be served a variety of eco bags such as tote bags, lunch box bags, toiletries bags, canvas bags and pencil case. Our objective in Bemis Company is to combine quality, functional, durable eco bags with social and environmental awareness to ensure the pollution on the earth can be reduced. We in Bemis Company has ability to provide requirement (product) of all businesses that require our......

Words: 1484 - Pages: 6

Free Essay

Make a Pen Bag

...Making a pen bag I have a very cute pen bag which you can put your pens and eraser. If you look at it in the front, the shape is a rectangle. If you look at its profile, it is a triangle. The design is for the capacity. There is a red plastic zipper on the top. Red is a main color of the pen bag. It is two double, and the materials are different. The outside is the soft plastic, and the inside is the hard cotton. If it is dirty, you can clean it with water, or wipe it with wet rag. If you have time, you can try to make a pen bag. It is very easy, and making one does not need much time. Firstly, you need to find some materials. You can use the old curtain, or bed sheet. If you want to make a new one, you can buy the fabric in the Wal-Mart. If you want a simple style, you can choose a pure color fabric. If you want a Korean style, you can choose a calico. Another thing you need is fusible interlining. You can buy the zipper when you buy the fabric. They should be in the same place in the Wal-Mart. The quality of the zipper is very important because its importance reflect the quality of the pen bag. The color of the zipper has better be similar as the fabric, or same as the main color of the fabric. You need some strings which color is same as the zipper. Moreover, we start to make a pen bag. You cut two cloths as 22*18 cm, and cut the fusible interlining in the same way. Then you iron them separately, one cloth with one fusible interlining. The edges of the......

Words: 1910 - Pages: 8

Watch movie | Season 7 - Episode 9 s07e09 | The Following